Rain
Lahat ng mga kasamahan kong Royals ay nagulat sa nangyaring announcement, After 2 years ay nagalaw ang puwesto ng Royals. Hindi naman ako nagulat nung malaman ko na si Aeron ang pumasok. Its he's dream and he really work hard for that place.
Ang kinatatakot ko lang na pumasok si Aeron sa royal 25, it means na may nalaglag samin. I'm pretty sure na magiging impyerno ang pananatili ni Aeron sa pagiging royal. Bakit ba kailangan niya pang bumalik?
"Hindi 'to totoo! Imposible! Tignan niyo maigi ang result! Nagkaroon ng dayaan or typo error!" Malakas na sigaw ni Maggy, talagang wala siyang pake kung magmukha siyang eskandalosa eh.
"Yeah! Hoy lalaki! Magkanong binayad mo? Magkano ang suhol mo?" Malakas naman na sigaw ni Andy, napayuko nalang si Aeron sa mga naririnig niya.
Sabi ko na nga ba eh, ganito ang mangyayari. He's hell days will start today.
Napalingon ako kay Geoff ng bigla siyang tumayo at pumalakpak ng tatlong beses and he's lips formed a fake smile.
Kapag pumalakpak ng tatlong beses ang Royals, it's means na galit na sila at sobrang naiinis sa nangyayari. Isa itong code para sa aming royal students.
Tumayo na rin isa-isa ang mga Royals at pumalakpak ng tatlong beses. Patay kang Aeron ka! Sa buong taon mong pag-aaral dito ay makakalaban mo ang Dalawampu't apat na kabataan na nanggaling sa pinaka-makakapangyarihang tao sa bansa.
Natapos ang announcement at bumalik kami sa loob ng Room namin, lahat kami ay malungkot at ang mga babae ay umiiyak.
"Ayoko! Ayokong umalis ng Royal class! Ayoko!" Humahagulgol sa iyak si Chelsea, Lahat kami ay nalulungkot sa mga nangyayari dahil si Chelsea ang parang tumayong nanay sa grupo namin.
"Hindi mo kailangang umalis Chelsea! Kaya naming bayaran 'tong school na 'to maibalik ka lang sa Royal section" sigaw ni Celine.
"Charly 'diba mababayaran naman yun? Charly 'diba kaya mo namang pilitin ang magulang mo" Sabi ni Cindy at inalog-alog ang si Charly ngunit napayuko na lamang ito.
"Hindi ko mapipilit ang Mom ko pagdating sa mga nangyayari sa Royal section. Ang mga royals ay pinili at sinala ng mabuti para mapili. Nakadepende sa score mo sa Entrance exam kung mananatili ka bilang isang Royals or you should step down and leave your throne" Sabi ni Charly samin. Nalulungkot din siya sa nangyari kay Chelsea pero wala naman siyang magagawa.
"Eh wala ka naman palang silbi eh, kaya ka nga nasa Royal section dahil anak ka lang ng School head?" Biglang sabat ni Xander. Ang sumunod na nangyari ay nakita ko na lamang na nakaupo sa sahig si Xander at hawak ang kanyang mukha. Malakas siyang sinuntok ni Charly.
"I'm here because of my hardwork. Hindi dahil sa anak ako ng school head, pinaghirapan ko 'to at kailanman ay walang bahid ng pangalan ng magulang ko kung bakit ako nandito" Sabi niya habang nagtatangis ang kanyang mga ngipin sa sobrang inis.
Agad akong pumagitna at pinaghiwalay silang dalawa.
"Guys ano ba?! Naging kaklase niyo naman ng Grade one hanggang four si Aeron. So anong inaarte niyo d'yan?" Malakas kong sigaw sa kanila. Nagalit lang naman sila kay Aeron dahil umalis ito ng walang paalam at siguro dahil we are all immature that time.
Ang akala nila umalis si Aeron without any reasons pero ang totoo, Aeron experience trauma nung mamatay ang kanyang lolo sa harap ng dalawang mata niya at kinailangan niyang pumunta sa US for medical treatment.
Naawa ako sa kanya no'n that time because at early age naranasan niya ang mga ganoong bagay na kung sa akin siguro nangyari ay baka nabaliw na ko.
"Rain what the fudge! Matagal na yun! iniwan niya tayo sa ere ng mga panahong iyon! Kung tatanungin kita sino ang mas gusto mo? Si Chelsea o si Aeron?" Tanong sakin ni Judy. Napakahilig nitong mam-pressure. Yung iipitin ka sa isang sitwasyon na mahihirapan kang magdesisyon.
BINABASA MO ANG
Death Game: The Royal Battle
HorrorYou can understand the story without reading the whole Death Game series.