Chapter 25 "Despair" (Edited)

15.6K 578 91
                                    

[[[POV Jaypee]]]

Iniikot namin ang buong lugar ngayon and we're all hoping na makita na namin si Andy... ng buhay.

Para kaming mga baliw sa ginagawa namin, every room binubuksan namin, bawat sulok iniikot namin.

"Guys andito na tayo ngayon sa last floor, ipagdasal na lang natin na makita pa nating buhay si Andy" Sabi ni David na humuhulas sa pawis. Siguro humulas kaming lahat sa pawis dahil sa paghahanap at pagmamadali na makita si Andy.

"Eto lang ang masasabi ko guys! Kung mawawala si Andy, malaking pakpak ang mawawala sa grupo. Mas mahihirapan tayong mairesolba at malaman kung sino ang pumapatay" Sabi naman ni Will. Well may point naman siya eh, si Andy ang nakaisip ng plano kung paano mapapalabas ang kasamaan ni Cyril.

Tumatakbo kami paakyat sa huling floor, kasabay ng pagtuntong namin sa sahig ng huling floor ang malakas at mabilis na kabog ng aming mga dibdib. Siguro ay dahil sa takot? Takot kaming mawala si Andy dahil alam namin na isa siya sa mga taong tutulong samin para makaalis sa lugar na ito.

Kung tatanungin niyo ko kung sino ang tingin kong karapatdapat na manalo sa larong 'to? si Andy yun eh, kaya niyang malaman ang killer sa simpleng pagdudugtong dugtong lang ng mga pangyayari, meron si Andy na mga bagay na wala kami. Meron siyang angking talino at kakayahan na kulang kami.

Habang binubuksan namin ang mga room ay lalong kumakaba ang aming mga dibdib, para ngang gustong tumalon ng puso ko palabas sa katawan ko dahil sa kaba na aking nararamdaman.

"Guys eto na ang last room sa palapag na 'to" Sabi ni Lyza habang nakatayo sa tapat ng pintuan ng Operating room. Nagtipon-tipon naman kaming lahat.

we are all wearing serious faces, but behind that... I know all of us was scared. Takot na harapin ang isang bagay na I hope na hindi SANA mangyari.

As Lyza's open the door. We heard the creek of the door at ramdam ko ang tensyon.

"BOOO!" Nagulat kaming lahat sa malakas na sigaw ni Will. Nakuwa niya ang atensyon naming lahat.

"Ano ba Will---"

"Joke lang guys, ramdam na ramdam ko ang pagka-intense nyo eh, kalma lang. Sige kayo, kapag ipinakita niyong natatakot kayo baka matuwa ang killer. Always remember na dalawa pa sa atin ang pumapatay" Makahulugang sabi sa'min ni Will.

Pagkabukas ng pinto, agad naming inilibot ang mga mata namin sa paligid.

"Wala naman dito si Andy eh!" Malakas na sigaw ni Edrick at sinuntok ang pader.

Malinis ang buong lugar, maayos ang mga gamit, at mukha naman hindi papasok sa ganitong lugar si Andy eh.

"Guys baka naman lumabas ng hotel si Andy, baka nagpunta sya sa seaside. You know, para mag unwind dahil sa sinapit ni Rose" Suhestiyon ko sa kanila.

"Baka nga, mukhang wala naman pala tayong ikapag-panic kung ganun eh" Sabi ni Ervin samin.

"No! Hindi pa dapat tayo maging masyadong kampante, hangga't hindi pa natin nakikitang buhay si Andy, there's always a possibility that you know... She's gone" Sabi naman ni David samin. Tama naman siya, as long na hindi pa namin nakikita si Andy, wag muna kaming magpapetiks-petiks at maging kampante.

"Guys, pwedeng maitanong kung sino si Aeron Clifford, why all of you look so terrified when you just heard his name" Curious kong tanong sa kanila. I don't know kung sino yung aeron na yun, wala nga akong ka ide-ideya kung ano ang itsura niya or even his identity.

Death Game: The Royal BattleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon