Chapter 26 "Shiniest Star" (Edited)

15.2K 565 127
                                    

POV Rain

"Tatalon na 'yan! Tatalon na 'yan!" Sabay-sabay naming chant na magkakaklase. Nasa rooftop kami ngayon ng lumang building ng school. Dahil nga private school 'to, medyo may kataasan ang building.

"Ano ba! Tantanan niyo na nga ako! Ano bang mapapala niyo sa pambu-bully sa'kin?" Malakas na sigaw ni Aeron.

"Umalis ka na kasi ng school namin. You don't deserve to be part of Royal class. Hindi ka namin kailangan!" Malakas na sigaw ni Ivy, bait-baitan sa harap ng maraming tao pero ganyan talaga 'yan

Mali pala! Ganyan talaga sila kay Aeron. Masakit Makita ang kaibigan ko sa ganoong kalagayan pero kailangan kong gawin 'to.

"Ano ba tigilan n'yo na ko! Rain tulungan mo naman ako" Sabi ni Aeron at tumingin sakin na para bang sobrang nagmamakaawa, gusto ko siyang tulungan pero alam ko sa sarili ko na kapag ginawa ko yun. Madadamay ako sa kanya, mabubully din ako at sa akin mababaling ang galit ng iba naming kasamahan.

"Huh? Sakin? Sino ka ba? Kaibigan ba kita para tulungan kita" Sinabi ko habang blanko ang ekspresyon ng aking mukha, pero sa loob loob ko gusto kong hatakin paalis si Aeron at tulungan sya. HE'S MY VERY FIRST FRIEND AFTERALL.

"Ano!? Kahit ang your so called bestfriend ayaw kang tulungan" Sabi ni Maggy at lumapit kay Aeron.

"Guys sabay-sabay tayo! Tatalon na 'yan! Tatalon na 'yan!" Malakas na pagsisimula ni Will agad naman nagchant ang mga kaklase ko, sinabihan ko na siyang umalis sa paaralang ito pero nagpumilit siya.

Ang Royal class ang pinakamatataas na estudyante dito sa BloodWood Academy, we have an Angelic faces but deep inside we're demons.

"Ano ba hindi na nakakatuwa 'tong pambu-bully niyo ah!" Sabi ni Aeron at akmang aalis na ng rooftop ng bigla siyang hawakan sa braso ni Ivy.

"Ano ba! Bitawan mo nga ako!"

"Tanga ka ba!? Hindi pa kami masyadong nag-e-enjoy! Pagbayaran mo ang ginawa mo kay Chelsea!" Sabi ni Ivy at itinulak ng malakas si Aeron.

Nagulat na lamang kami ng biglang madulas si Aeron at nahulog pababa ng rooftop.

Lahat kami ay napasigaw.

***

"AAAHH!!!!" Malakas kong sigaw at napabangon bigla.

"Hey bro kalma lang! Are you okay!?" Tanong ni Edrick at inabutan ako ng tubig. Agad ko itong kinuha at uminom ng marami.

"Grabe ka Rain basang-basa ka ng pawis! ano ba ang napaginipan mo hah?" Pag-u-usisa sakin ni Charly.

Nung medyo nahimasmasan na ako ay agad kong inilibot ang aking mga mata, nasa kwarto ko na pala ako. Nandito sa kwarto ko ang barkada ko. Si Charly, Edrick, at Samuel.

"Hey Rain! Tinatanong kita kung ano ang napaginipan mo. Buti na lang at naisipan ka naming daanan dito para tignan ang kalagayan mo " sabi ni Edrick

"Wala! Wala! Nagkaroon lang ako ng masamang panaginip" Sabi ko at pinunasan ang pawis ko sa aking noo.

"If your dreams is just only about Aeron, just fucking stop it. Lahat tayo ay saksi sa pagkamatay niya" Sabi ni Samuel.

"Pero paano kung hindi talaga patay si Aeron!? Paano kung kasama natin siya sa isla then he is one of the killers" Sigaw ko sa kanila, gusto kong maging kalmado pero talagang tensyonadong tensyonado na ko!

Death Game: The Royal BattleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon