Chapter 32 "The Past" (Edited)

15.8K 488 54
                                    

[[[ POV Aeron Clifford ]]]

"Anak seryoso ka gusto mong bumalik sa BloodWood Academy?" Tanong sa akin ng aking mama at ilang beses niya na ba itong tinanong sakin? Panglabing dalawa? Ewan!

"Of course ma! Alam mo namang dream kong makabalik ulit doon at makapag-aral"

"Dream mo lang kasi doon nag-aaral ang bestfriend mo eh. Sure ka na ba d'yan anak? Tatanggihan mo yung offer sa ibang bansa para lang makapasok ulit sa school na yun?" Tanong muli sakin ni mama. Kung hindi ko lang nanay 'to nasipa ko na 'to sa liver, ang kulit sa pagtatanong.

"Ma, Bloodwood academy is one of the top school in the whole world, Tanging ang mga may special talent and angelique faces lang ang nakakapasok doon. Na-feature na din siya sa iba't ibang TV shows" Sabi ko kay mama. Yeah that school was pretty popular, kapag doon ka nag- aral, 100% pagkagraduate mo ay sure ka ng may papasukang trabaho... Ang mga kumpanya pa ang maghahabol para lang makuha ka nila.

"Mukhang wala na talaga 'kong magagawa, pangarap mo 'yan eh. As a mother susuportahan na lang kita" Sabi sakin ni Mama.

"Thanks ma!" I said then hugged her tightly.

"Bakit hindi ka nagrereview 'nak? Sa Sabado na ang entrance exam mo sa school na 'yun ah?" tanong sakin ni Mama pagkabitaw namin sa pagkakayakap.

"Review? Uso pa ba yun Ma? Kayang-kaya kong makapasok ng Royal 25 ng walang kahirap hirap eh. Alam mo namang gifted tayong panilyang Clifford pagdating sa mga ganyan Ma" sabi ko sa kanya at nakatanggap ako ng mahinang batok.

"Hambog talaga eh" Sabi sakin ni Mama na nauwi sa malakas naming pagtawa.

Halos mapanganga ako dahil sa aking mga nakikita. Eto ba ang B.W.A? napakalaki na ng pinagbago nito at hindi na katulad noong pumasok ako dito. Ako lang yung parang probinsyanong kumilos dito. Lahat ng kasabayan kong mage-enroll lahat may class.

Oh yeah! This is the place where I should belong! Ano kaya ang magiging reaksyon ng mga dati kong kaklase kapag nakita nila ako?

"Aeron?" May narinig akong boses na nagmumula sa aking likuran. Agad naman akong napalingon.

"Rain? Ikaw na ba 'yan?" I said at nakipag-man to man hug. Grabe I miss this guy!

"Grabe! The snow prince is back!" Sabi niya sakin, dahil na rin sa natatangi kong puti they called me snow prince.

Napatingin naman ako sa aking wristwatch at nakita kong malapit ng magsimula ang test ko!

"Shit late na pala ko. Alam mo ba kung saan yung Royal Hall room 105?" Sabi ko sa kanya, first time ko kasing makatuntong sa loob ng bagong BloodWood kaya naman naliligaw pa ko.

Ang mga halls pala dito ay pinangalan sa mga King, Queens, Prince at kung anu ano pa. Talagang may class lang ang nakakapasok dito.

"doon din room mo? Same lang pala tayo eh, sama ka sakin" pag-aaya niya sakin at sumunod lang ako sa kanya. Ang dami naming napagkwentuhan and I! really miss this boy. My best buddy!

"Train? Bakit sasakay pa tayong tren?" Tanong ko sa kanya. Tsaka wait!? Bakit may ganto na sa loob ng Campus?

"Masyadong marami na ang pinagbago simula nung nawala ka, mas malaki na ang nasasakop ng B.W.A. ngayon. Kung lalakarin mo siya mangangawit ka lang! Wag kang mag-alala hindi ka naman makikipagsiksikan sa tao eh" Sabi niya then sumunod ako sa kanya.

Death Game: The Royal BattleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon