POV Abby
Nitong nakaraang mga araw ay pinipilit kong ngumiti at tumawa sa harap ng iba.
Kilala nila ko bilang masayahing tao pero behind my smiles, there's a pain and loneliness. There's a hundred tears behind my single smile.
Gusto kong lumaban eh! Gusto kong mabuhay, pero nahihirapan na ko eh! Araw-araw na lang may nawawala samin and sa aming mga nandito meron pang pumapatay.
Akala ko kapag kumokonti na kami mas madali, pero hindi eh! Ang hirap napakahirap.
"Hoy baklita! Nakikinig ka ba sakin" Natauhan ako ng marinig ko ang sinasabi ni Judy.
"H-hah? Ano yun?" Tanong ko sa kanya.
"Malandi kang gaga ka. Ano 'to?" Sabi ni Judy at pinahid ang luha sa aking pisngi. Hindi ko namalayan na bumagsak na pala ang luha na kanina ko pa pinipigilan.
"Tears of kagagahan yan 'teh" Pabirong sabi ko at pinilit kong matawa.
"Wag ka ngang tumawa. Tumawa ka dahil masaya ka, wag mong gamitin ang mga ngiti at halakhak mo para pagtakpan na nasasaktan ka na sa mga nangyayari" Sabi niya sakin. Dito ko napatunayan na meron din soft side ang isang Judy, kaya rin niyang magpagaan ng loob.
Nangiti naman ako sa kanyang sinabi.
"Ganyan nga! Alam mo teh mukha kang mapayat kapag totoo yung ngiti mo" Sabi niya at natuwa ako lalo sa kanyang sinabi.
"Talaga?" Sabi ko then ngumiti ako ng napakalapad. Hindi ko inaalis ang ngiti ko. Gora sa pagpayat!
"Oo teh, hindi ka na mukhang baboy, Balyena na! nag-evolve ka na girl congrats!" Sabi niya sakin at nakatikim agad siya ng batok. Halos masubsob sa sahig si Judy sa lakas ng pagkakabatok ko.
"Science says HEAT expand things. So don't call me fat, I'm just hot" Then nagsexy pose ako sa harap niya sabay pout at ako naman ang nabatukan ng gaga.
"Malandi ka! Nandamay ka pa ng subject para lang suportahan yang kalandian mo!" Sabi nito sakin.
Sinong mag-aakala na isang Judy pa ang tutulong sakin upang maibsan ang sakit na nararamdaman ko kahit panandalian. Kahit hindi niya sabihin ay ramdam ko ang pag-aalala niya sakin.
Kung may natutunan man ako sa larong 'to, yun yung maging matatag kahit pakiramdam ko ay sukong suko na ko. Na-survive ko na makita ang mga malalapit kong kaibigan na makitang nakahiga sa sahig at wala ng buhay. Kung sa iba ito nangyari I'm pretty sure na mato-trauma sila.
Naniniwala ako sa sarili ko ngayon na malakas ako, na kaya ko pang magpatuloy. I should move on kung gusto ko pang makaya ang mga susunod na mga mangyayari.
"Lyza! Having a pig talk together with Abby? Sama ka?" Aya ni Judy sa kanya nung makita siya nito. Isa ito sa nakita kong pagbabago kay Judy, natututo na siyang makisama sa lahat.
"W-wag na, may gagawin pa ko sa room ko" She said samin and give as a fake smile. Naging iwas 'tong babae na to samin after her confession na pinatay niya ang kapatid niya.
Kung tatanungin niyo ko kung natakot ako kay Lyza. Yeah I will admit it, natakot ako sa kanya kasi i don't know kung mapagkakatiwalaan ko pa siya. Pero kaibigan ko siya, I remove all my doubts at mga pangyayari sa nakaraan. I will make better memories together with her
"Hoy Lyza churva! wit ka na mag-inarte, ako lang ang maganda dito" Sabi ko sa kanya. Kahit nahihiya siyang lumapit samin ay nangiti pa rin ako dahil pilit niyang sinusubukan na mawala ang awkwardness at ganun din naman kami.
Tatlo na lang kaming babae dito kami pa ba ang maglalaglagan hindi ba?
In the end. Nawala ang awkwardness saming tatlo at we end up laughing together and having fun.
Na-miss ko tuloy yung mga gagang friends kong si Lorraine, Maggy, at Andy.
"Hey guys pasok na ko sa room ko ah. it's so nakakapagod nakakalurkey" Sabi ko sa kanila at tumayo sa aking kinauupuan. Hindi ko na hinintay ang kanilang sagot at tumakbo na ko paalis. Taeng-tae na kasi ako. kiyeme ko lang yung pagod na ko.
Takbo lang ako ng takbo and I take an elevator. Pagkasakay ko ay agad sumara ang pinto ng elevator.
Nagulat na lamang ako ng may biglangtumamang malakas na bagay sa aking ulo, unti-unti akong nahilo at nawalan ng malay.
BINABASA MO ANG
Death Game: The Royal Battle
HorrorYou can understand the story without reading the whole Death Game series.