Lumabas sa loob ng Inn sila Andy at lahat sila ay nakangiting naglalakad, hindi nila inaasahan na magagawa nilang patayin ang ISA sa mga killers.
'CONGRATULATION! YOU CAN LEAVE IN THIS PARK NOW, KINDLY GO TO THE BUS THEN YOUR FINALLY FREE! CONGRATULATION! YOU'VE SUCCESSFULLY ELIMINATE CYRIL IN THE GAME'
Mayroong part sa kanila na nasasaktan dahil sinong mag-e-expect na ang babaeng anghel sa kanila ay nakadisguise lamang. Pagkahinubad pala ang pakpak ni Cyril ay lalabas ang nakatagong buntot nito.
"Hala omohness! Ano itong balita!" Malakas na sigaw ni Judy habang nagsisigaw paglabas niya ng Hotel lumingon-lingon siya sa paligid at nakita niya ang grupo nila Andy.
"Nagawa n'yo? Makakalabas na tayo? Anyare sa inyo?" Tanong ni Judy nakita niya kasi ang mga suot nila.
Si Rain na puno ng kalawang dahil sa Maruming locker room na pinagtaguan niya, Si Abby na parang naglalakad na bangkay dahil punong puno ng dugo ang katawan niya, Si Will na puro alikabok, at Si Edrick na Puro itim dahil sa pagkakaground sa kuryente.
Binigyan naman nila ng ngiti si Judy bilang sagot.
"Makakalabas na ko! Yoohoo! Makakalabas na ako sa demonyong lugar na 'to!" Malakas na sigaw ni Judy at natawa naman ang kanyang mga kasamahan.
Bigla na lamang naluha si Andy dahil sa saya na nararamdaman niya, hindi niya kasi ine-expect na gagana ang plano niya.
***Flashback***
"Ano Andy!? Gusto mo 'kong tumulong sa plano mo pero kailangan kong magpanggap na masama?" Tanong sa kanya ni Rose, noong mga oras na pinuntahan ni Abby si Rain ay kumilos na rin si Andy para kausapin si Rose, mas maganda kung sabay-sabay silang kikilos dahil hindi sila mababantayan ng killer at the same time and in the same place.
"Hinaan mo lang ang boses mo, kung tutulungan mo ko, tataas ang chance rate na mahulog sa patibong natin ang killer" Sabi ni Andy sa kanya.
"Wow ah! Tataas? Hellooo, one wrong move damay-damay tayong mamamatay and in my case... mukhang ako ang pinakamahalagang tao sa plano mo kaya kapag namali ako ng kilos madadamay kayo"
"Kaya nga tinawag na one shot plan eh! Kung mamamatay man tayo atleast nag-try tayo! Alam kong kaya mo 'to! ?Ikaw ang napili ko sa napakahirap na role dahil alam kong kaya mo iyon na gawin, please Rose! We need you para sa plan, hindi kami makakakilos kung wala ang tulong mo"
"Argh! Hayaan mo munang pag-isipan ko, buhay ko rin ang nakataya sa plano mo, please let me think about it"
"Aasahan kita Rose, kapag nakita kitang nakaupo sa park bench mamayang gabi, so it means yes" sabi ni Andy at umalis ng room ni Rose.
"Sandali---" Hindi naman natuloy ni Rose ang gusto niyang sabihin dahil nga sinarahan na siya ng pinto ni Andy.
***End Of Flashback***
Natutuwa si Andy na alalahanin kung paano nangyari ang successful ng plano niya, hindi niya akalain na makikita niyang nakaupo sa bench si Rose at sasakyan ang plano niya nung gabi na yun.
"Waaah! Ayos lang ba kayo?!" Sigaw ni Lyza nung makita niya sila Rain.
"Ayos lang naman kami"
"Oy! Oy! Yung bus umandar na yung makina! makakaalis na tayo dito!" Malakas na sigaw ni Roger sa mga kasamahan niya.
Agad naman silang tumakbo papunta sa loob ng bus.
"MAKAKAALIS NA TAYO!" Sigaw ni David habang tumatakbo papasok ng Bus, sumunod naman sa kanya ang ibang kasamahan niya.
"Para sayo Maggy, para sayo 'tong paglabas ko dito. Kasama kita sa paglabas ko sa lugar na ito kahit wala ka na, palagi ka pa rin may lugar sa puso't isipan ko" 'Yan ang iniisip ni Andy ng mga oras na iyon habang tinitignan sa huling pagkakataon ang kabuuan ng park.
"Andy! Tara na! Ikaw na lang ang hiniintay" Sigaw ni Rain sa kanya.
"Ah Eto na! Eto na" Tumatakbo si Andy papasok ng bus.
Sinong mag-aakala na sa dalawampu't limang estudyante na naglaro ng death game ay labing apat lamang ang natira, parang sa isang iglap lang ay nawala na kagad ang buhay ng labing isang estudyante.
Mary, Geoff, Lorraine, Ivy, Trick, Liza, Celine, Cindy, Xander, Maggy, Cyril.
Mga buhay nila ang kinuwa sa isang iglap lamang, sinong mag-eexpect na sa saglit na panahon ay labing isa agad ang mawawala sa kanila."waaah umaandar na!" Sigaw ni Charly. Nagulat na lamang sila nung nakapwesto na sila ng upo sa bus ay biglang may humarang na mga bakal sa front ng bus kaya nagmukha silang nakakulong sa loob.
Pero hindi nila ito pinansin na para bang sanay na sila sa gano'ng scenario, ganoon din kasi ang nangyari sa kanila noong papunta pa lamang sila sa may park.
"Congrats sa inyo players at successful kayong nakaalis ng park" Biglang mayroong boses ang narinig nila sa loob ng bus at mukhang nanggaling iyon sa speakers na nakakabit sa bus.
"Pero hindi pa dito natatapos ang masayang laro natin., Isa pa lang ang napapatay ninyo, which is Cyril. Dalawa pa sa mga kasamahan niyo ang peke, dalawa pa d'yan ang pumapatay"
Lahat sila ay napatayo sa narinig nila.
"Pe-pero tapos na kaming laruin ang gagong laro na 'to!" Malakas na sigaw ni Edrick at napapakuyom na lamang siya ng kanyang palad.
"Tapos na nga ba talaga o nasa kalagitnaan palang kayo ng laro? Marami pang pwedeng mangyari, pwede pa kayong mabawasan ng mabawasan"
"T*ng ina lang pala!" malakas na sigaw ni David.
Nagulat na lamang sila ng may biglang usok na bumalot sa loob ng bus.
"Sleeping gas?" Naitanong ni Rain sa kanyang sarili hanggang sa unti-unti na siyang nahilo at nakatulog.
***
[[[POV Charly]]]
Syet ang sakit ng ulo ko! Teka asan ako? Parang tunog ng speed boat ang naririnig ko ah!
Agad akong bumangon mula sa pagkakahiga ko at tinignan ang buong paligid, wala akong makita kun'di puro tubig!
Tang ina nakasakay kami sa speed boad lahat.
"Guys gising! Gising!" Malakas kong sigaw habang isa-isa silang tinatapik para magkaroon na sila ng malay.
"Syet! Anong nangyari? ba't ang sakit ng ulo ko?" Tanong ni Andy habang hawak-hawak ang kanyang ulo.
"Teka?! Nasa'n tayo!" Malakas na sigaw ni Samuel, sana nga lang ay kaya kong sagutin ang kanyang tanong eh! kaso wala rin akong alam sa mga nangyayari! ineexpect ko na makakaalis na kami sa Park pero meron pa palang kasunod! tang ina lang sa pakiramdam.
"Guys Tignan ninyo may isla doon!" Malakas na sigaw ni Rose at may nakita nga kaming isla.
![](https://img.wattpad.com/cover/18539470-288-k299294.jpg)
BINABASA MO ANG
Death Game: The Royal Battle
HorrorYou can understand the story without reading the whole Death Game series.