[[[ POV Rain ]]]
"Shit! Late na naman ako" Malakas kong sigaw, halos magkadapa-dapa na nga ako dahil sa pagmamadali kong maisuot ang aking sapatos.
Papasok na ako sa Bloodwood Academy, isa itong prestigious school para lamang sa mga mayayaman, talented, at matatalino. Sa school na ito ay walang lugar ang mga bobo, Dito man sa paaralang ito ay mayroong mga estudyanteng miyembro ng Royalties. Ang mga royalties ay ang mga estudyanteng nag eexcel sa isang partikular fields, tulad ko isa akong royalty.
Ang Royalties ay binubuo lamang ng dalawampu't limang estudyante, the top 25 students. Kapag kabilang ka sa mga royals, ibang iba ka sa mga regular na estudyante. Mula sa uniform, sa room na ginagamit niyo, at isama na rin ang pagtrato saiyo ng mga estudyante. Royalties treat with respect, ay mali! Royalties SHOULD treat with respect. Maramig galit sa section namin, kahit ayaw mo samin, you must respect us. Kapag nakalaban mo ang isang royal student, Kalaban mo na ang lahat.
Special ang room para samin, nakabukod ang room namin na ginagamit sa ibang estudyante. Hindi ko nga kung matatawag itong classroom dahil parag modern house ang style niya.
Pagkapasok na pagkapasok ko sa school nasa akin ang tingin ng mga tao. Siyempre I'm one of the royalties, eto ang mahirap sa pagiging royal student eh. Lahat ng kilos ko tinitignan ng iba, Kumbaga parang laging may dalawang pares ng mata na parang CCTV na nakamasid samin. One wrong move, pagtsitsismisan ka sa buong school.
"Rain! Tumatakbo ka na naman!" Napalingon ako sa likod ko para makita ang taong tumawag sakin... It's Ervin. By the way si Ervin ang bestfriend ko, Kung tititigan mo si Ervin ay napakaamo at napakainosente nito. Kung ako ipinapakita ko kapag galit ako, siya naman ay kinikimkim lahat ng galit. Parang Angel in Disguise ang dating niya.
"Late na kaya!" Sigaw ko sa kanya.
"Rain ilang beses ko na bang nasabi na sayo na wala ngang mga teacher na nagtuturo satin dahil we are----"
"Royalties na naman? Masyado naman yata kasing nakadepende tayo sa title na hinahawakan natin. One of the traits that royalty should is punctuality" Sabi ko sa kanya, ngayon ay naglalakad na lamang kami papasok sa loob ng aming room.
"Oh my god! Will nakakabwisit ka talaga! Hindi ko na kaya itech! Nakakaloka ang mga say mo!" Narinig naming sigaw ni Abby. Actually medyo chubby si Abby eh, pero kung tititigan mo nama siyang mabuti ay maganda naman ito. Abby is one of the clown in our room, ang arte- arte niya naman kasing magsalita.
Nagulat naman kaming dalawa ni Ervin sa biglang paglabas ni Will classroom at kumakaripas ito ng takbo paalis.
"Ahhh! Baboy! Baboy!" Tumatakbong sigaw ni Will. Si Will naman ang pinakamagaling sa art saming lahat. Palabiro iyan at kasundo halos ng lahat yan kaso nga lang medyo O.A. magreact yan at masyadong sensitive. Pero sumatutal, Will is one of my close friend halos kuya nga ang tingin ko sa kanya.
Pumasok na ko ng room at inihagis ang aking bag sa isang vacant seat.
"Oh Rain andyan ka na pala! Pakopya nga ng mga notes mo para may masubmit na ako sa Principal" Sabi sakin ni Edrick. Isa iyan sa mga barkada ko. Tamad yan pero maasahan mo yan kapag meron kang gadgets na nasira, asahan mo magagawa niya iyon at maiuupgrade niya pa. Siya ang naglagay ng secret code sa cellphone ko eh, kapag pinindot mo kasi yung "1" ng cellphone ko makakarating agad ang emergency text sa mga kabarkada ko. Siyempre may tracker din para madetect niya kami. Oh diba? Lahat kaming magbabarkada meron nun, pero tamad yang magsulat.
Yung kinokopya niyang notes eh para may mapasa kami sa principal. Every month kasi kailangan namingmagpasa ng mga ginagawa namin sa principal para matignan niya kung may progress at kung may natututunan kami. That's how the world of royalties run.
BINABASA MO ANG
Death Game: The Royal Battle
TerrorYou can understand the story without reading the whole Death Game series.