[[[ POV Abby ]]]
Tang ina lang! Bakit ba kasi ako pa ang naiipit sa ganitong siwasyon. Ang hirap! Napakahirap!
Natatakot ako dahil baka ito na ang maging huling araw ko dito. Nakarating ako dito kasi lumaban ako! Hindi naman ako yata basta-basta papayag na bigla akong malaglag sa laro, pinaghirapan ko to and I know na I deserve na mabuhay.
"Abby andito ka lang pala sa may balcony hinahanap kita kasi ikaw pa nga tong nagpumilit na gumawa tayo ng carbonara tapos ikaw pa ang nawawala" Sabi sakin ni Ervin. This is my chance para maimbistigahan si Ervin
"Pasensya na ah? nauntog kasi ako kanina eh kaya nahilo akech! Pero may request ako Ervin" sabi ko sa kanya. That's good Abby! use your acting skill.
"What is it?" tanong niya sakin
"Pahiram naman ng Recipe book mo please please"
"Huh? bakit sakin? mas magaling si David saking magluto. Sa kanya ka na lang manghiram" sabi niya sakin
"Yun na nga masyadong magaling si David mas nakakalurkey ang mga chuvacheness niya sa pagluluto... yung sayo na lang teh para hindi komplikado" Pagsisinungaling ko.
"Okay? ang weird mo ngayon ah pero nasa kwarto ko kunin mo na lang. Nasa loob ng drawer ko hanapin mo na lang or gusto mo samahan na lang kita?" Sabi niya sakin.
"Naku wag na. Simulan mo na lang 'yang Carbonara natin tapos ako na lang kukuwa" Sabi ko sa kanya at iniabot niya naman ang susi ng kwarto niya sakin.
Nabawasan ang paghihinala ko kay Ervin kasi binigay niya kaagad ang susi ng kwarto niya so it means na wala siyang tinatago. Pero tignan natin 'diba? Baka nadala lang talaga siya sa pag- arte ko kaya kumagat siya.
"Salamat Ervin" Sabi ko at dumiretso sa hagdan para maghanap.
Konting oras na lang ang natitira sakin. Siguro ang mga titignan ko na lang is yung mga kahina-hinalang tao.
Ervin, Judy, and Lyza I think?
Masyado kasing misteryoso si Ervin para sakin and he have moodswing problem so maybe merong ibang katauhan na nakatago sa katawan niya.
Lyza dahil unang una, nakapatay na siya hindi malayo na magawa niya iyon kay Geoff.
While Judy, She always act na alam niya ang lahat! Minsan mahina minsan malakas, kung hindi mo talaga siya kilala masasabi mo talagang luka-luka ang gaga.
Binuksan ko na ang pinto ng kwarto ni Ervin. Hindi maipagkakailang kwarto ito ng lalaki. Nakakalat ang gamit, ang hinigaan hindi man lang inayos, nasa lapag pa din ang pinagkainan and higit sa lahat at ang pinaka-ayoko amoy digmaan! Sinong mag-aakala na isang Ervin Josh Aquino is ganito sa kwarto, sa kabila ng kanyang kahinhinan ganito kabalahura ang kwarto ni Ervin.
Napailing na lang ako sa akong nakita at tinungo ang drawer ni Ervin, para kang maghahanap sa bundok ng mga basura.
Agad kong binuksan ang drawer niya, hanggang sa drawer walang patawad dahil makalat pa din.
Napansin ko naman yung notebook na nakapatong lang sa Drawer, at mukhang diary ni Gaga. Diary niya yun at binuklat ko ito, puro entry lang sa kung ano ang nangyayari sa buhay niya and ang sakit sa mata ng sulat kamay niya kaya itinigil ko na lang.
"Yung totoo Ervin? Ilang halimaw ang kasama mo sa kwarto mo at napakarumi ng kwarto mo? Nakakaloka!" hinalughog ko ang buong kwarto niya, kinuwa ko na rin ang recipe book para may props ako pero ang totoo ay naghahanap lang ako ng butas, Baka siya na kasi ang pumatay.
BINABASA MO ANG
Death Game: The Royal Battle
HorrorYou can understand the story without reading the whole Death Game series.