Chapter 34 "Condition" (Edited)

13.9K 517 100
                                    

POV Rain

Pagkaalis ko sa kwarto ni Jaypee ay parang naginhawaan ako. Parang nailabas ko ang bigat na nararamdaman ko sa pagsabi sa kanya.

Napasilip ako sa mga bintana at napatingin sa kalangitan. Ang mga bituin ay natatakpan ng makakapal na ulap, nagbabadya na isang malakas na ulan ang darating ngayon sa isla.

Naalala ko si Roger kapag tumitingin ako sa kalangitan. Mannerism niya kasi yun, siguro ang pagiging anak ng isang presidente ay malaking pressure sa kanya, one wrong move ay apektado ang ama niya. Yun siguro ang dahilan kung bakit napaka-well discipline niya and napakamatured niya umasta.

Naalala ko na naman ang mga kasamahan ko, napuno na naman ng kalungkutan ang loob ko.

Siguro ay karma na samin 'to? Deserve kaming mamatay lahat dito. Malaking kasalanan ang nagawa namin kay Aeron, maybe may isang tao samin ang gumagawa ng paghihiganti para sa kanya.

Dahil sa kalungkutan na aking nadama ay para naman akong nahilo panandalian, umabot sa punto na magdalawa ang paningin ko at muntikan na kong matumba.

"Espren! ayos ka lang ba?" medyo nagulat pa ko ng bigla akong hawakan ni Ervin sa balikat at inalalayan ako.

"O-oo" sabi ko ngunit parang ayaw makisama ng katawan ko dahil gumegewang na ko dahil sa pagkahilo.

"Ulol! wag mo nga akong niloloko, pasalamat ka may bottle water akong dala dito" sabi nya at iniabot sakin ang tubig.

Nagdadalawang isip pa ko kung tatanggapin ko pero tinanggap ko pa rin ito para magkaron ng lakas.

"Buti na lang nakita kita kundi baka..." At tinitigan niya ko ng makahulugan.

"Baka?" naguguluhang tanong ko sa kanya.

"Baka mahimatay ka na diyan at maging mainit ka pa sa mata ng killer" Sabi nito sakin. Akala ko pa naman kung ano yung sasabihin nito dahil pasuspense effect pa.

"Salamat sa concern" 'yan na lamang ang aking nasabi.

"Bestfriend mo ko eh, ayos ka na ba? Bababa na ko, nagpapatulong kasi sakin si Abby na magluto ng carbonara" sabi niya sakin.

"Oo ayos na ko, dalhan mo na lang ako pag luto na ah! Alam mo namang paborito ko ang carbonara na gawa mo" Sabi ko sa kanya at binigyan niya naman ako ng ngiti.

"Oo naman!" sabi niya at nagwave ng hand sakin bago umalis.

Pumasok na lang muna ko sa aking silid para magpahinga, siguro ay dala na rin ng sobrang pagod kaya ako nahilo. Pahinga lang ang katapat nito, hindi akong pwedeng magkasakit kung ayaw kong mapaaga ang pagkawala ko sa laro.

***

[[[ POV Lyza ]]]

Nandito lang ako sa may couch sa lobby, pagkatapos kong makipagkwentuhan ay nagpaiwan na lang ako dito.

Medyo nahihirapan pa rin naman ako eh, I'm pretty sure naman na dahil sa nalaman nila sakin, hindi maiiwasang magbago ang tingin nila sakin. Kahit na nakikipag-usap sila sakin na parang walang nangyari, alam ko na nabawasan ang tiwala nila sakin.

"Problem?" Biglang tumalon si Charly sa couch at umupo sa aking tabi.

"Wala." tipid kong sagot sa kanya.

"Alam mo Lyza, kaya nga ginawa ni lord ang kapwa mo para may mapagsabihan ka, para tulungan kang mapagaan ang loob mo at tulungan kang ma-over come ang mga problema mo" Sabi niya sa akin.

"Ginawa din naman sila para manghusga" Maikli kong sagot, totoo naman eh. Nahusgahan agad ako, killer na kaagad ang tingin nila sakin. May malalim naman akong pinanghuhugutan kung bakit ko nagawa ang bagay na yun.

Death Game: The Royal BattleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon