Sa Puntong Ito

16 0 0
                                        

Magkaibang direksyon,
Maaaring may ulap at Mayon.
Ang masaklap pa'y wala sa ayon,
Hinila ngunit hindi tumungtong.

Magkalapit ngunit pinagbawalang lumapit,
Pilit na ipinagdikit.
Tadhanang malupit,
Dapat igipit, ang dalwa'y maiipit.

Nahulog ang isa,
Isinantabi ng pangalawa.
Nasaktan at nagdusa,
Umasa sa mahabang Wala.

Mananatiling nagkakamustahan,
Pinagsisikapang walang ilangan.
Itatawa na lamang,
Kahit lubhang nasasaktan.

The Poems Of ThoughtsMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon