Titignan mo man lahat ng nakangiti,
Sa likod nito ay may pagngiwi..
Madidinig mo man ang mga halakhak..
Umalingawngaw pa rin mga hikbing nagpapapadyak.
Magsisimula ng kilalanin ang isang kaligayahan, matiwasay, masagana..
Hindi mula sa puso...
Kundi sa nakikita lamang ng mata...
Hindi ang totoong nadarama.Payapa, walang sigalot,
Ngunit sa puso'y may namamayaning poot..
Poot ng inggit, kasakiman, diskriminasyon at alinlangang...
Lahat ay may kakayahan,
Lahat ay may respetong dapat pinaglalaanan...Nagsisimula ang lahat sa mata,
Pumasok sa dibdib..
Nanatili sa isip!
Dumaloy ang sistemang mapanghusga.
Katulad ng pag-iwas mo sa mga Masang Muslim!
Nagsusuot ng kumbong,
At maging putong!
Sumasamba kay Allah!
At ngayo'y kinikilalang kakaiba..
Ang kilalanin silang terorista!
Nang-aalipusta!
Kumikitil ng buhay ng iba!
Maramot sa kapayapaan!Masaya ba?
Ang simpleng pag-iwas sa kanila?
Na para bang may dalang sakit na nakamamatay...
Mamamatay-tao!
Para silang lason ng lipunan!
Lipunang tayo-tayo din ang nagbibigay pangalan!Kung ang hayop nga'y kaya mong alagaan,
Mahalin, irespeto't ingatan!
Sila pa kayang nilalahat Lang?
Nilalahat!
Kasabwat!
Nagkakalat sa lipunan...
Nadadamay na walang malay!Kaya sinasabi ko sarili ko...
Sinasabi ko sa'yo...
Sinasabi ko sa lahat ng Tao...
Hindi sila salot.
O maging kasabwat ng sigalot!
Sila'y katulad nating damay Lang!
Sa pang-aalipusta!
Pinagkaitan ng katiwasayan...Ang katiwasayan ay nagsisimula sa sarili...
Sa sariling mata.
Sa sariling panghuhusga...
Kaya sana huwag lahatin..
Kasi kapag ganoon..
Damay ka rin..
Muli, ang kapayapaan ay magsisimula sa mata.
Mananahan sa puso.
Bubuo ng lipunan may pagkakaintindihan.
Upang kapayapaa'y maisakatuparan.
BINABASA MO ANG
The Poems Of Thoughts
PoezjaIto ay kompaylasyon ng mga tulang may iba't ibang sukat at tugma at talinghaga