Paghinto

17 2 0
                                    


Sa hindi inaasahang pangyayari,
Sa isang damdaming hindi mawari.
Labi'y walang masabi,
Namataang ika'y nakatayo sa'king tabi.

Noong una'y isinantabi,
Pinalipas ang bawat oras na nalalabi.
Maya-maya'y kagat labi,
Tinanaw ka sa isang tabi.

Ang pag usad ng araw ay bumabagal,
Ang lalamunan ay gumagaralgal.
Tila natakpan ng bakal,
Pilitin mang alisi'y ayaw matanggal.

Nang ika'y lingunin, ika'y nakatingin din,
Nagmistulang titigang may din.
Walang gumalaw, walang nambibitin,
Tumigil ang lahat ngunit tayo'y patuloy parin.

The Poems Of ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon