Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

MUNTIKAN NA

1 0 0
                                        

Minsan ka na bang umasang pwede maging kayo?
Yung tipong bawat eksena niyo'y mapoproseso...
Upang magkaroon ng Tinatawag na kayo?
Kahit pwedeng hindi?
Kahit pwedeng Oo?
Malabo nga pala talaga..
50 50 kumbaga.
Halata kasing malabo lalo na pagtaken ka na..
At siya'y Heartbroken pa..
Natuto na siya..
Sa mga bagay na minsan din ay inaakala niyang Yun na.
Katulad ng inaakala kong kami pa.

Sa relasyong napagitnaan ng laro at tuso.
Sa relasyong may asin, bagoong, tubig alat na pinaghalo.
Sa relasyong hindi pwedeng ibalanse ang on at off ng switch.
Sa relasyong may pyrited at legal.
Sa istadong mayroon ako..
Nasanay na rin ang pusong maluko..
Sa mapagkunwaring patibong ng isang gago.
Na sa dinami-daming pagsubok,
Ayun!
Lalong naging marupok.
Ang isang maituturing mong sandigan.
Pero hindi ka man lang pinaglaban!
Sobrang hirap!
Ang saklap!

Hanggang sa nakilala Kita sa di inaasahang pagkakataon.
Nang maisipan mong magwave sa messenger nun.
Nagpapapansin..
Pinansin..
Naalanganin..
Naging mabuting magkaibigan din.
Marami tayong pagkakapareha...
Pati sa pagkain ay parehong takam na takam sa lasa.
Natutuwa ako sa mga kwento mo.
Puro maligno, alien, Sirena maging ang mga Disney cartoons ay hindi mo pinalampas talaga.
Binahagi mo pa ang mala fairytale mong love story na nauwi sa tragedy

Natatandaan ko pa nung.
Halos ibulong mo na lang ang salitang multo sa twing naaalala mong may nagtitimpla ng kape sa Gabi sa tinitirahan mo.
Kahit maliban sa'yo ay Wala ng ibang Tao.
Duwag ka kasi masyado!
Nasanay na ako.
Nasanay na tayo pareho.

Inaamin ko.
Mali.
Ang pansinin ka pa.
Habang ako'y taken na.
Mali.
Ang masanay na sa sa'yo ng lubha.
Mali.
Ang maging ganoon tayo kalapit sa isa't Isa.
Mali.
Ang sabay nating bilangin ang mga bituin tuwing hating Gabi.
Mali rin siguro.
Na kapwa natin labasan ng sama ng loob Ang bawat Isa.
Sobrang Mali
Pero Hindi ako nagsisisi
Hindi ko pinagsisihan...
Dahil dito ko nahanap ang totoong kahulugan ng lalaking kaibigan.

Tumagal Ang ating talastasan,
Nauwi sa agahan,meryendang tawanan.
Hanggang sa dumating ang hinihintay na dalaw..
Tapos na ang paglubog ng araw.
Tapos na ang pagsikat ng araw.
Kasi gabi na.
Dumating na ang dalaw...
Dalaw na minsang napawi na damdamin.
Dalaw na minsa'y binalewala din.
Nang minsan mong itanong ito sa akin..
"Ako'y sa'yoy may pagtingin... Ikaw din ba sa akin?"
Walang hudyat na dumaloy ang luha sa pisnge.
Dahan-dahang ang ulo'y tumabingi.
Alam niyang sa simula palang ako'y nakatali.
At alam niya ring Ang Tali Yun ay mapuputol ng isang sagi.
Pero hindi niya sinagi.
Hindi siya nagbalak na putulin..
Bagkus siya ay may binilin..
"Hwag mong wasakin Ang sarili mo para sa taong Hindi kayang wasakin Ang sarili nila para sa'yo."

Matapos ang pag amin.
Alam niya ang laman ng aking damdamin.
Na hanggang kaibigan lang siya sa akin.
Hanggang kaibigan lang ba talaga siya sa akin?
Isang kaibigan?
O ang naibigan?
Nakakalito.
Isang araw umiiyak ako sa harapan niya.
Panay mura ang lumalabas sa mga labi niya.
Kasi ganito, ganyan!
"Wag mo siyang iyakan" sigaw niya pa.
Kinalas ko na kasi ang tali bago pa maputol.
Pero...
Hindi ko inaasahan ang dinugtong niya..
"Kung kailan masaya na ako sa iba ngayon ka pa nalugmok ng ganito sa kanya!"
Wala na.
Wala na talaga.
Wala ng pag-asa.
Ang kirot sa puso ko ay bumabakat na.
Muntikan na.
Muntikan na palang maging tayo, Sana.

The Poems Of ThoughtsMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon