Ulan...
Malakas na ulan.
Sobrang lakas na ulan.
Kasama ang pagkulog at pagkidlat.
Ulan...Sabi nila dapat daw akong mangamba,
Dahil malakas ang ulan.
Sabi nila dapat daw akong matakot,
Dahil malakas ang ulan.
Maaaring may pagbaha.
Pagkawasak ng ari-arian ng iba.
Pagkamatay ng mga hayop.
Saanmang lupalop.
Dahil malakas ang ulan.Ngunit bakit ganoon?
Hindi ako nangangamba?
Ang ulan ang nagbibigay sa akin ng saya.
Sa tuwing maririnig ang kanyang unti-unting paglakas.
Tila ang nararamdamang pangamba ay tinatakas.
Hindi ko maramdaman.Ngunit bakit ganoon?
Hindi ako natatakot?
Ang ulan ang nagbibigay sa'kin ng katiyakang huminahon.
Lahat ng nararamdam sa kaibuturon ng ang puso'y kanyang ibabaon.
Wag daw akong matakot.
Wag daw akong matakot sa ulan.
Sapagkat siya narito upang makiramay sa aking nararamdaman.Naisip ko...
Mali bang maging masaya ako sa paraang di nila gusto?
Mali bang kampihan ko ang mundo laban sa tao?
Mali bang magpakatotoo ako?
Dahil taliwas ang kaligayahan ko?
Mali bang magustuhan ko ang ulan...
Mali bang sa Ulan?
![](https://img.wattpad.com/cover/161391168-288-k112597.jpg)
BINABASA MO ANG
The Poems Of Thoughts
PoesieIto ay kompaylasyon ng mga tulang may iba't ibang sukat at tugma at talinghaga