Kung gaano kaganda ng tanawin,
Kasalungat ang namamayani sa damdamin.
Kung gaano kapayapa,
Kasalungat ng pusong nagdurusa.
Masyado yatang maganda ang paligid,
Upang magdrama ng lingid.
Ang bawat alon sa dalampasigan ay napakatahimik na tunay.
Ah! Araw ito upang maligo,
Magsaya sa ilalim ng mainit na sikat ng araw.
Magsaya nga..
Magsaya...
Isang pagsasayang hindi nararamdaman sa mata.
Ngunit bumabalatay sa labing nagpupumilit na makita.
Magkaiba sa dalampasigang makikita ngayon.
Mahinahon ang alon.
Wala bahid ng pagpepeke.
Walang makikitang bakas ng pagpupumilit na dumampi sa mga buhangin.
Payapa...
Napakapayapa...
Sa kabila ng pagiging payapa nito...
May isang manggugulo...
Sa gitna ng laot ay may mga naglalarong isda.
Mga nagbabakasakaling maging malaya..
BINABASA MO ANG
The Poems Of Thoughts
PoetryIto ay kompaylasyon ng mga tulang may iba't ibang sukat at tugma at talinghaga
