Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

Reklamo

1 0 0
                                        


Bakit ang tagal Ng ginugugol mo,
Sa ibang tao kaysa iyong nobyo.
Ito ba ang nais mo,
Ang maghintay matapos ang bilang na sampu?

Masyado na yatang masakit,
Kahit gaano kahigpit ang kapit.
Kusa pa ring kakalas,
At ang bawat salita'y lalabas.

Maghunos dili  ka, Mahal,
Ilang oras na lang ang itatagal.
Gugugulin ko ang ilang oras sa'yo,
Huwag ka lang magreklamo ng ganito.

Lumalala na ang hidwaan natin,
Panay parinig at reklamo lang ang dalahin.
Ngunit sa huli ang pag-ibig parin natin ang magwawagi,
Kaya atin itong ipagpunyagi.

The Poems Of ThoughtsMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon