Kakayanin ko ba?

1 0 0
                                    

Mahirap mang umasa
Na baka pwede pa.
Mahirap magdesisyon
Kapag hindi kabisado ang bawat aksyon.
Mahirap ngumiti kapag alam mong peke.
Mahirap tumawa kapag alam hihikbi.
Wala eh!
Ganoon talaga...

Kung Sino pa ang minahal natin sila pa ang unang mananakit sa ating damdamin.
Kung Sino pa...
Ang iniingatan natin ay sila pa ang hihila sa atin sa bangin.
Kung Sino pa...
Ang nagpapangiti sa atin ay sila pa ang nagpapalumbay sa poatin.
Kung Sino pa...
Ang nasasaktan sila pa ang ginagawan ng dahilan..
Upang sisihin..
Upang sisihin sa mga bagay na sila naman talaga ang nagsakripisyo.
Sa kanilang pananakit na ginawang bisyo.

Madali lamang ba sa iyo?
Ang ako'y kalimutan mo ng ganito?
Madali lamang ba sa'yo?
Na ako'y indahin, wag pansinin?
Madali lamang ba sa iyo?
Na ako'y saktan mo ng ganito?
Malamang!
Malamang sa malamang!
Kaya mo!
Madali lang sa'yo...

Ngayo'y na pagod na ang puso.
Napagod na akong magpatanga sa'yo.
Pero bakit ganito?
Paano ito?
Paanong nasasaktan ako ng ganito.
Masakit...
Na para bang ako'y nakatali sa Hindi pangkaraniwang na kadena.
Ang gusto ng umalpas upang maging malaya.
Pero bakit Ang sakit?
Bakit ang hirap?

Nakakapagod ang lumaban,
Nakakapagod ang Ipaglaban.
Nakakapagod ang Ikaw lang ang lumalaban.
Dahil wala namang silbi ang pagpupursiging ibalik pa.
Sa puso nating sa isa lang umaasa.
Na baka pwede na...
Na baka pwede pa...

Ngunit may mga bagay talaga na sadyang hindi na mapipilit.
Hindi dahil mahirap makamit...
Kundi dahil nakalaan na ito sa iba..
Sa para sa kanila.
Mahirap mang aminin..
Mahirap mang tanggapin..
Pero yun ang katotohanang magbubukas sa atin sa tamang landas..
Sa maayos na pagbabagtas.
Kaya naman kahit masakit,
Kahit ang lupit,
Hanggang dito na lang...
Hindi na susugal..
Sa maling bagay na hindi para sa atin.
Kasi Ang tunay na bagay nakalaan sa atin ay yung mga bagay na kusang babalik para sa atin.
Pero paano natin matatanggap?
Paano natin makakamit ang walang kasiguraduhan...
Makakaya mo bang bitawan?
Kakayanin ko ba?

The Poems Of ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon