Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

Taong Papel

4 0 0
                                        

Isang manipis na materyal.
Na may mga linya na isang dangkal.
Ang layo.
Ang lapit.
Kulay asul.
Isang malapad
Dala-dala parati.
Maging sa aking pag-ihi.
Natatakot.
Nangangamba.
Baka ika'y mabasa ng tanga.
Hindi hinayaang mapunit.
Maipit.
Lagyan ng mga paningit.
Kapag naligaw sa kamay ng mga yagit.

Dito isinusulat.
Ang maayos at sama.
Nang tahimik na hagugol.
Nang impit na pagtatangis.
Nagmamakaawa.
Sa gitna ng pagdurusa.
Ang patakasin naway sa sumpa.

Saksi ito...
Sa lahat ng karakter.
Ng kwento ng buhay.
Mapa kontrabida.
At bida-bida
Buhusan ng kasiyahan.
Taniman ng sakit.
At hardin ng tinatawag na 'pagsubok'.

Dito ikinukwento...
Kung paano lumipad ang ibong may iisang pakpak.
Kung papaano yayabong ang punong walang ugat.
Kung papaano nagsisinungaling ang isang tapat.
Kung papaano mangako ang isang namamako.
Kung papaano tumatama ang salita sa isang umiilag.
Nakakabilib.
Nakakaantig.

Dati-rati ay isinusulat ko pa.
Ngayo'y nakakausap ko na.
Nakatitig.
Nagpapalitan ng makahulugang tingin.
Nagpapalitan ng sama ng loob at dalangin.

Masaya pala talaga kapag nakakausap mo na.
Ang dating papel lang.
Hindi nagsasalita.
Ni panaghoy ay walang makita.
Ngayo'y naiiyakan mo.
At pinapatahan ka.
Humahagod hanggang lalamunan.
Hinahaplos hanggang kaibuturan.
Ang saya.
Ang sarap.
Nakakabaliw.

Pero kagaya ng ordinaryong papel...
Kukupas ang mga salita.
Di mo na mararamdam uli ang saya.
Ang pagpapatahan ay panandalian na sigla.
Di lahat nagtatagal sa unang sulat.
Sa unang pag-uusap.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling na-update: Feb 20, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Poems Of ThoughtsMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon