Naglalakad sa madilim na daan,
May hinahanap hindi alam Kung saan.
Saan nga ba patungo ang nawawala,
Kung saan siya nawala o Kung saan winala.Madilim, mainit, masakit,
Patuloy na dumadaing sa pait.
Ganito bang nais ng tadhanang malupit?
Patuloy lang na ng gigipit?Paulit-ulit, lalong sumasakit,
Mga punyal kung ituring ngunit maliliit na butil.
Kailan matatapos ang pagdudusa,
Kung humimlay at ayaw ng huminga?Paano matatapos ang sakit na paulit-ulit,
Kung paulit-ulit na nagbibigay lamang ng sakit.
Nakakalito,pero dapat ng matuto,
Ngunit tapos na sa leksyong ito!Kailan makakaani ng butil ng palay ang talahib?
Kailan ang puso'y matatapos ang pagsisikip?
Tapos na dito!
Ngunit ayaw umusad, nakahinto.

BINABASA MO ANG
The Poems Of Thoughts
PoesíaIto ay kompaylasyon ng mga tulang may iba't ibang sukat at tugma at talinghaga