Alam mo ba ang pakiramdam ng maging malaya?
Sa kamay ng iba...
Malaya sa hawla ng nakaraan.
Sa hawla ng mapanlinlang na lipunan?Masarap sa pakiramdam.
Masakit sa lalamunan.
Ang ipagsigawang malaya ka na.
Sobrang nakakamangha, kakaiba.Pinaglaban mo ng patas.
Niyakap mo ng puno ng pagmamataas.
Ngunit iba pala ang landas.
Nililihis ng mga ahas.Yung pag-asa naging paasa.
Dahil ang bayang para sa masa...
Bayan na rin pala ng mga mapagsamantala.
Mga Pinocchio sa madla.Ang mga nagsusumamo...
Mga walang tinig na anino...
Ay kailanma'y di na maririnig.
Tuluyan na silang nilaon ng mga kuliglig.Nakatakas na pala sa hawla ng nakaraan.
Pero bakit iba ang namamataan?
Tila nakaraang nagkukubli sa kasalukuyan.
Naulit na naman sa ibang paraan.Paano nga ba magmahal?
Ang isang may dangal,
Ng hindi nanglalamang...
Sa kanyang bayan.Walang silbi ang paglilinis ng bakuran.
May ang pagsalba sa inang kalikasan.
Kung parating may nakatagong pakay kaninoman.
Para sa karangalan.Oo nga't naging mabuti kang mamamayan.
Masunurin sa batas.
Nambabatikos ng mga pantas.
Para sa katotohanan.Ngunit hindi ito sapat.
Kung mag-isa ka lang na may hawak pang patpat.
Kung kahit mikropono ay sa bibig tumapat...
Ay bigla nalang naduduwag.Marahil ganito nga.
Kung hindi mo kapanalig ang iba.
Ididiin ka.
At pagbibitangang hunghang.
Ng mga hipokritong maalamGanito ba ang mukha ng kalayaan?
Nagmahal ka lang naman...
Pero bakit kailangan pang apihin at saktan.
Malaya ka na ba talaga?
BINABASA MO ANG
The Poems Of Thoughts
PoetryIto ay kompaylasyon ng mga tulang may iba't ibang sukat at tugma at talinghaga