Magkahawak ng kamay,
Pilit pinipigilan ang sakit na bumalatay.
Kasi ito ang totoong kulay,
Nang ating mundong ngayo'y isa ng tulay.
Nila...
Ah Hindi!
Ikaw at siya..
Ninyo!
Wala ng ako..Tatawa tawa pa nga tayo.
Patawa-patawa na lang ako para sa katiting na TAYO.
Sinimulan ko ng bilangin ang patak ng ulan.
Paano kung ganito...
Paano kung ganito tayo...
Ganito tayo, walang hinto.Dumating na Kasi Yung araw,
Tumila na kasi ang ulang dumalaw..
At dito na rin nabalot ng lamig..
Sa kalamnan at bibig..
Maging sa iyong mga bisig..Ikaw ang laging hanap Ng aking puso,
Sa bawat minuto...
Kahit sa bawat katiting na takbo Ng Segundo...
Ngunit Ang nais mong Makita...
Hindi AKO...
Hindi TAYO...
Kundi yung nakaraang KAYO!Bakit Mahal?
Bakit kailangan kong sumugal?
Nang nag-iisa...
Di ba pwedeng tayong dalawa?
Bakit laging ako ang nabibiktima..
Nang maling pagsinta?
Kinarma ba ako?
Ano bang ginawa ko sa inyo?
Bakit ako?Mahal, ilang araw na naging tayo..
Ilang araw na Rin bang namimiss mo siya Ng ganito?
Ramdam ko iyon...
Kahit sa simpleng hindi pagtugon...
Sa mga mensaheng ikaw ang hinihintay,
Pero sa iba ka pala nagbabantay!Bakit Mahal?
Mahal mo ba siya?
Nais mo bang magbalikan kayong dalawa?
Siya parin ba?
Paano na Ako?
Paano na tayo?
Ano na ang sitwasyon na dapat may tayo...
Maghihintay na nalang ba ako?
Patuloy na magpapakatanga sa'yo...
Kasi Kung ganito lagi Ang eksena...
Kung ganito lagi ang nakikita...
Pwede bang palayain mo na ako?
Kahit ngayon na mismo...
Kakalas ako...
Pakiusap...
Kakalas na ako...
BINABASA MO ANG
The Poems Of Thoughts
PuisiIto ay kompaylasyon ng mga tulang may iba't ibang sukat at tugma at talinghaga