MANGGA

0 0 0
                                        

"Gawan mo to ng Tula Ga."
Bakit pa?
"Gusto ko lang malaman kung anong masasabi mo sa pangakong to."
Kakaiba!
Sobrang OA Talaga.
Inuumpisahan ng tipahin ang salita.
Ano nga bang mga salita ang tutugma?
May salita kayang tutugma?
May pwede kayang salitang itutugma?

Mahiwaga ang nadarama,
Kapag ikaw na sinta.
Ilang libong bituin na rin ang  binibilang ng ating mga mata,
Ilang segundo na ring nag-aabang sa buwan na sa ati'y muling magpakita.

Marami ng dumating...
Marami na rin ang gustong mambitin.
Marami ng naiwanan...
Marami na rin ang nawalan.
At hindi na nagbabalik kailanman.
Ngunit heto pa rin tayo...
Patuloy na nakatayo.
At umaasang sa susunod na paglubog ng araw...
At sa susunod na pagsikat muli ng araw...
Magkasama pa rin tayong gumalaw.

5..4..3..2. isang segundo.
Nangako na tayo pareho.
Nangakong sa pag-iibigang ito walang hihinto.
At parehong umaasa ang ating mga puso...
Na walang magtatangkang gibain ito.

Sinisimulan man nating bilangin ang bawat sakit...
Kung pang-ilan ito nauulit...
At kung bakit ito nauulit.
Walang papanhik.
Patuloy pa rin tayong nakakapit.

Nilalamon man tayo minsan ng matinding selos...
Dahil sa may malisya ang bawat kinikilos.
Nananatili pa rin tayong nakayapos.
Walang balak na magtapos.

Nag-aaway man tayo sa maliit na dahilan...
Na puro pagtatalo, walang urungan.
Na nasasangkot ang mga bagay-bagay sa kawalan.
Maraming hinahawakang nabibitawan.
Dahil lang sa pinagkakamalan...
Naaayos naman sa masinsinang usapan.
Kasi sabi mo "Lahat maayos sa mabuting usapan ng hindi humahantong sa hiwalayan."
At hindi natin maipagkakailang totoo.
Wala man say mawala kung mutuo.

Ang dami na ring nangyari.
Ang dami na ring hindi sinasadyang masagi.
Napuno na rin ang isang batya ng tawa.
Na puro gawa-gawa mo pa.
Nakaipon na rin ng isang palangganang luha.
Dahil na rin sa malulupit, masalimuot na bagay at tamang hinala.

Ganoon talaga siguro...
Na kung kailan malapit ng mag-isang taon...
Doon pa nagkataon...
Na makita ang na aayon.
Ang putukan at pagsabog ng impormasyon.

Nakakatawa dahil pareho tayong nawiwindang sa eksplorasyon.
Maraming gustong subukan.
Gustong patunayan.
Maraming ipinagbabawal.
Marami ring pwede na rin naman.
May mga nagbabago.
May nakakapanibago.
Ngunit isa lang ang sigurado...
Kapwa tayong natuto.

Malayo-layo na rin ang ating ibineyahe.
Marami-rami na rin ang ating hinakbang.
Matagal-tagal na rin ang ating panahon.
Na sa sobrang tagal ang "Mahal" naging "Langga" ngayon.
Mga salitang hinimay-himay upang makabuo ng "MANGGA".
Sinisikap na ang bawat letra ay makuha.
Kahit may nag-iba.
Kahit kakaiba.
Yaong hindi lang sa salita ang tutugma...
Pati narin sa ating palala ng palalang nadarama.
Yaong tipong pati sa tawagan...
Makikitaan ng panibagong larawan.
Isang panibagong pag-iibigan.

The Poems Of ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon