Kabiguan

1 0 0
                                    


Parati ang mga alon sa dalampasigan ay payapa,
Ngunit sa nagdaan dekada ito'y tuluyan ng nawala.
Ang bawat taghoy ng hangin ay kaginhawaan ang dala,
Ngayo'y may nakaamba na itong pagdurusa.

Mapanglaw na buhay,
Akala'y malapit ng mamatay.
Pinagtagpo pero kailan may Hindi nararapat,
Hindi nga sapat.
Sa isang malawakang pagsusuri,
Sa nararamdaman may pinipili.

Katulad ng dahon làya sa isang matayog na puno,
Unti-unting nabubura ang sigla at nahuhulog sa mga bato.
Namatay ang pag-asang matagal ng hangad,
Minsa'y tinatapakan, nililipad.

Masydong mataas ang bituin sa kalangitan,
Kumikislap, kumukuti-kutitap kapag pinagmamasdan.
Sa kaibuturan ng kagandahang dala,
May nakaambang kapighatian kapag ito'y tumama.

Guguho,yayanig sa 'sang mundo may anino,
Animo'y may pinupunto.
Paano ba'y naglaho ang lahat,
Ang nararamdamang sakit sa sistema'y kumalat.

Sa bawat masasayang pangyayari sa mundo,
May nakaakla ito delubyo, sa buhay,sa puso ng tao.
Walang magagandang bagay na walang kalungkutan.
Nakatira na ito sa buong sangkatauhan.
Katulad ng palayain siya kahit mahirap.
Kahit ang pag-ibig niya'y minsa'y hinahanap-hanap.

The Poems Of ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon