KATAKSILAN

2 0 0
                                    

A/N. Para ito sa mga nakalimot kung sino sila. Sa mga nagmamaang-maangan kung ano ang gusto nila. At higit sa lahat ang ipagtanggol ang Filipino. Filipinong binubuo ng mga panitikan. Paano naaatim ito ng sariling bayan! Hipokrita! 😬😬😬😬😬
--------------------------------------

Noong mga panahong, maligalig ang puso,
Sa kamay ng mga abusadong dayo.
Noong mga panahon, naghihikahos,
Na Ang kaluluwa'y nalalaos.

Maraming nagbuwis ng buhay,
Ang kaluluwa'y kay kamataya'y inalay.
Sagana sa sariwang dugo,
Nang lapastanganin ng mga uwak na nagbabalat-kayo.

Para saan ang tagumpay?
Nang mapagkawang gawang kamay.
Para ano pa't walang silbi naman,
Bumalik sa kasalukuyan ang nakaraan.

Sànay na ang Pilipinas na mabahiran ng ibang kultura,
Dahil na rin sa mga dayong nagmaniobra.
Sino nga ba ang Pilipino?
Saang parti Ng mundo Ang Pilipinas?

Mukhang nakalimot na,
Ang mga taong Pinoy pa.
Sa lupang tinitirikan ng kanilang tagpi-tagping tahanan,
Sa wikang kanilang kinagisnan.

Ang pagbabago buhat noon pa man,
Kailanman ay hindi mabubura sa isipan.
Bakit pa nagpakamatay?
Kahangal naglupasay.

Bagong mundo,
Bagong elemento.
Hindi na Tao,
Kundi nababalat-kayong Nuno.

Kunwari makabansa!
Nakakahiya sa Panatang Makabayang itinalaga.
Kabastusan man kung ang pagmura'y gamitin,
Pero putanginang nilalang ka! Bakit kami muling mapapasailalim?!

The Poems Of ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon