Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

Panyo

5 0 0
                                        


Buhusan ng pagdurusa at hinanakit,
Na sa dibdib nakaipit.
Matutuyo o mababasa man,
Ito'y kailangang kailangan.

Rausan Ng sama Ng loob,
Ang puso't pagkatao'y nilokob.
Impit na hikbi ay nagkulong,
Sa mga labing nanginginig, may binubulong.

Ang mga matang kulungan ng pighati,
Sa wakas ito'y binuksan at nahati.
Dalawang pares ng mapaglilinlang,
Sa hikbi ay kumapit,kumawala, nilisan.

Panyo, sandigan Ng mga nagbabalat kayong haligi,
Nagigiba Ng isang sagi.
Sa wakas ito'y kumalas,
Tuluyan Ng lumabas.

The Poems Of ThoughtsMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon