Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

Kung Maari lamang

5 0 0
                                        


Kung maaari lamang maging ulan ang buhay,
Dahan dahang pumapatak, malumanay.
Kung maaari lamang maging ilaw ang bawat pangyayari,
Na para bang entablado na kapag tapos na Ang eksena ay madidilim mangyari.

Kung maaari lamang ito'y maging isang tibok ng puso,
Kapag napagod ay kusang hihinto.
Kung maaari lamang ito'y maging isang ilaw sa poste,
Kapag sira'y napupundi.

Kung maaari lamang maging talaan Ng kanta,
Kapag natapos ay Wala na.
Kung maaari lamang maging makina Ng sasakyan,
Kayang patayin, pwedeng pigilan.

Lahat sana'y maaari.
Lahat sana'y mangyari.
Bagkus Hindi hawak Ng Tao Ang buhay,
Hindi maaari paulit-ulit na pinapatay.

Ano ang kayang danasin ng Tao sa guhit ng mga palad,
May minamalas at mapalad.
May nagkukunwaring matapang,
Ngunit nagtatapang-tapangan.

Isang uri nang lapnos sa katawan,
Nag-iiwan ng marka, sakit at kawalan.
Nyebe sa kalangitan,
Nakamamanhid, dulot ay kasawian.

The Poems Of ThoughtsMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon