Biro

12 1 0
                                        

May katatawanang dapat tawanan,
Mayroon ding hinihiling na sana'y katotohanan.
May masasaktan at masusugatan,
May dapat tinatawanan pero iniiyakan.

"Mahal kita" Sabi Niya,
"Talaga?" Hindi makapaniwalang tugon ng Isa.
"Kasi magkaibigan tayo, Hahaha"tatawang sambit niya pa,
Nakakatawa, pero parang ang tanga tanga.

"Mukha tayong magshota."  Ngiti-ngiting sabi Niya,
"Bakit Naman?" Tanong Ng tangang umaasa,
"Parang may tayo, pero Hindi naman." Natatawang sagot niya
Nakakatawa pero ang sakit na.

"Walang maboboyprend o girlprend,ha?" Seryoso siya
Hindi sumagot ang umaasa at nasasktang si Tanga.
"Kasi Crush lang natin sila." Diretsong Sabi Niya.
Manhid ka ba talaga?
Nananakit ka na.

The Poems Of ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon