Kung ang kaibigan ang takbuhan,
Kung sila ang tanging masasandigan.
Sa oras ng sakuna ng buhay,
Sila ang ating alalay.
Ngunit tila taliwas ang bagay kapag umiikot,
Iba-iba ng angulo at masalimot.
Na para bang hindi matanggap na ang dating saya,
Nauwi sa isang masamang trahedya.
Nahulog ka na pala!
Akala ko hanggang kaibigan lang talaga.
Akala ko walang mahuhulog,
Pero ito may kalabog.
Umiiwas ka na ngayon,
Simula nung ikaw ay naghamon.
Na sabihin sa akin ang iyong nadarama,
At ng malaman mong hindi pala pareha.
Nagwakas na,
Winakasan mo na.
Ang pagkakaibigan natin,
Dahil lang hindi mutual ang ating feelings
BINABASA MO ANG
The Poems Of Thoughts
PoetryIto ay kompaylasyon ng mga tulang may iba't ibang sukat at tugma at talinghaga
