Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

Pansamantala

0 0 0
                                        


Isang araw na malayo sa isa't-isa,
Isang araw na ang kumunikasyon malabong Makita.
Isang malungkot na pansamantala,
Kung saan Hindi mararamdamang magkasama.

Nalulumbay na Naman,
Isang araw na kumalas sa kamay.
Nakakainis Naman!
Kasi ika'y may pupuntahan.

Maging mahaba Ang araw,
Araw na pati ang Kalangitan ay sumisigaw.
Ang gabi ay madilim at mapanglaw,
Ang bawat pagtama ng ligaw na bulalakaw.

Paano ba'y lilisan ka na naman,
Mag-isa na Naman, maiiwan.
Mamimiss na Naman Ang bawat harutan,
Pati ang lambingang wala dayaan.

The Poems Of ThoughtsMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon