Nagmamahal

4 0 0
                                        


Hindi makatulog sa kakaisip,
Sa mga bagay na mukhang panaginip.
Paano ba'y naging kayo na wala sa plano,
Ang dapat pormal nauwi sa baldado.

Paano ba'y ika'y nagmahal,
Naging tapat sa nararamdaman.
Hindi pinalalampas ang segundong nalalabi,
Ang bigkasin sa labi ang dito ka lang sa'king tabi.

Nagpupumilit na makaalpas,
Sa pag-ibig na walang kupas.
Nawa'y kahit taglagas,
Ang ating kwento'y hindi magwawakas.

Kasi ikaw ang nais,
Sa pusong matagal na nagtitiis.
Nang masungkit ang iyong puso,
Nang akuin mong ako'y sayo.

The Poems Of ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon