Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

Ako! Oo ako lang

4 0 0
                                        

Hindi ito ang panahon para manisi,
Hindi ito ang oras para sabihing ikaw ang nagkamali.
Pero bakit ganon?
Bakit ganon?

Kapwa tayo ay may pagkakamali,
Kahit Hindi nating sabihin sa labi.
Alam natin parehong ako,ikaw,lahat tayo ay kasali.
Nahihibang ka na ba?
Hibang ka na!

Kung makaasta ka, ikaw ang biktima,
Dehado ka kunyari.
Dapat mabago to,
Dapat mabago Yan.
Dapat mawala ako!
Ako! Oo ako lang!

May kukuti ka ba?
O sadyang bulati lang Ang Alam?
Naisip  mo ba?
Ah! Wala Kang inisip.
Hindi mo iniisip.

Sa libong libong ekspresyon ipinakita mo,
Isa lang Ang masasabi ko.
Pabigat akong pasan pasan mo.
Marahil naninibago ako,
Pero sa puntong to.
Dito mismo!
Ito mismo!
Isa Kang malaking.., hmmp!

Ako Yung tipong pagnagkamali,
Babawi,
Ako Yung tipong magaadjust ako,
Para makahabol sa inyo.
Pero Hindi eh!
Hindi talaga eh!
Hindi talaga ako Yung tipong magtitiis, kahit halatang lahat may Mali.
Hindi talaga ako Yung tipong magaadjust kapag alam kong ako lang Ang nagigipit!
Kasi Alam ko Kung saan Ang patas at ang abusado.

Naisip mo ba kung pareho tayo Ng rason?
Marahil Hindi!
Dahil wala ka sa aking sitwasyon,
At Wala ako sa'yong posisyon.
Kung nadidismaya ka,
Iintindihin Kita.
Pero kapag nadismaya ka at hinihila mo ko palubog.
Tangna! Papatulan talaga Kita!

May utak ka diba?
Bakit parang walang laman?
May kaluluwa ka diba?
Bakit parang halang!
Imposible ka!

Naiinis ako sa pagiging pabigat ko.
Sa'yo!
Sa inyo!
Sa lahat!
Dahil Kung Alam Kong ako lang Ang mananatiling mabait.
Ganon din kayo malupit!
Bayaan nyo!
Hindi na to mauulit!
Hindi na mauulit na muli akong magiging kasapi.
Dahil Tama na siguro Ang iyak at pighati.
Na kahit kaarawan ko,
Para akong nireregaluhan Ng sandamakmak sa sakit!

Nga pala! Birthday gift nyo pala to sakin!
Salamat ha!

The Poems Of ThoughtsMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon