Ang tulang ito ay alay ko sa mga may kaibigan, sa may mga ituring na kaibigan at sa mga nagmamahal na may kaibigan.
Ang bawat kabanata ng buhay ay puno ng iba't ibang eksena.
Yaong eksenang minsan ay sinusubukan, sinusukoan, pinaglalaban.
Hindi na bago sa atin ang mga eksena yun.
Hindi rin naman tayo bulag para hindi makakita.
O di kaya'y bingi na walang naririnig.
Maliban na lamang...
Kung nagbubulag-bulagan.
Kung nagbibingibingihan.
Ang masaklap pa'y baka naman manhid, walang pake!
Tama!
Baka nga!Isa sa mga pagsubok na ito ang turing natin sa ibang tao.
Mga taong dinadaan-daanan.
Nakikita lang.
Kaibigan.
Alam ko.
Kahit kayo rin mismo..
Na maraming issue ang salitang kaibigan.
Yung tipong andaming kahulugan.
Andaming swak na swak na larawan.
Pero bakit nga ba?
Bakit nga ba?
Hindi ko alam.
Hindi namin alam.
Baka ikaw, ang may alam.Kaibigan.
Sila yung taong nang-aagaw ng jowa na may minamahal na.
Ahas, ika nga.
Kaibigan.
Sila yung tatraydurin ka, mailigtas lang ang sarili.
Makasarili.
Kaibigan.
Sila ang hihila sa'yo pababa, kapag nalaman nila kung saan ka mahina.
Kaibigan.
Sila yung malapit na taong gagamitin ka.
At ang pinakamasakit sa lahat,
Kaibigan.
Matapos makuha ang loob mo iiwanan ka na lang sa dulo.
Na para bang ligaw na lobo na kumawala sa himpapawid.
Kung saan-saan napapadpad, dinadala ng hangin.
Nawawala.
Nangungulila.
Masarap ba?
Masarap bang may iniwan?
Masaya ba ang maiwanan?
Ang kalimutan...
Ang tuluyang ng kalimutan?
Ano bang silbi mo sa buhay nila kung aalis ka din pala?
Kamusta na ba ang alaala niyo, binura mo na ba? O binaon na sa limot?
Sa mahabang oras ng paglikha ng alaala ay ganoon din ka iksi ang paglimot sa kanila.
Nahihibang ka na.
Tuluyan ka ng nilamon ng sarili mong polisiya.
Na "dapat ang taong ito na dadating sa buhay ko ay magbibigay sa akin ng malaking porsyentong katalinuhan dahil kung hindi ay aking iiwanan.".
Ngunit hindi lahat ng bagay umaayon sa kagustuhan natin.
Hindi lahat mapapasa atin.Masyado bang magulo?
Depende sa karanasan.
Depende sa nasasaktan.
Depende sa marunong magpatawad.
Depende sa maluwang ang dibdib.
Kasi hindi ganoon yung kaibigan.
Hindi ganoon ang salitang kaibigan.
Yung kaibigan..
Sila yung itutulak ka sa taong gusto mo habang sila'y nasa gilid, humahagikhik.
Sila yung ililigtas ka kahit na mapahamak sila.
Sila yung magiging lakas mo sa oras na ika'y pinanghihinaan na.
Sila yung malapit na taong sasamahan ka hanggang dulo.
At ang pinakamasarap sa lahat...
Sila yung hindi ka iiwanan kapag nalaman nilang napalapit ka na sa kanila.Walang nabubuhay sa mundo nang mag-isa.
Kahit mag-isa ka loob ng isang silid, alam mong hindi ka mabubuhay na wala ang tulong na iba.
Oo
Totoo.
Kaya naman, kapag may oportunidad, sunggaban mo na.
Dahil mas masakit ang iwanan ang ilang buwan niyong samahan magkaibigan kaysa hiwalayan ng magsyota pansamantala lang.
Hindi ka na makakahanap ng tulad nila.
Na tatanggap ang buong pagkataong nakabaon sa iyo.
Kasi kung tunay kang kaibigan handa mong ipaglaban ang totoo mong nararamdaman hindi ang impluwensya ng iyong kapaligiran.
Kasi naniniwala ako.
Naniniwala ako.
Na may katiting pa diyan sa puso mo.
Na ang nawasak na samahan ay Kaya mo pang mabuo.
Kaya, halika! Payakap ulit!
![](https://img.wattpad.com/cover/161391168-288-k112597.jpg)
BINABASA MO ANG
The Poems Of Thoughts
PoetryIto ay kompaylasyon ng mga tulang may iba't ibang sukat at tugma at talinghaga