Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

358

3 0 0
                                        

Magsisimula ng bilangin ang mga numero...
Sa kung saan makikita ang mga ito..
Ano sa tingin mo?
Alam mo na ba?
Nagbibilang ako...
Ngunit tatlong numero lang ang gusto kong isali dito...
Tatlo, lima,walo.
Tatlong numero pero magkaiba ang bilang...
Pati sa pagbaybay ay halatang may lamangan...

Tatlo. Lima. Walo
Saan ka ba nanalo?
Sa sugal ng buhay mo?
O sa buhay na sinugal mo?
Parati ka bang nananalo?
O minsan din natatalo?
O baka naman parating talo dahil pinagkanulo?

Tatlo. Lima. Walo
Sino nga ulit yung naglalaro ng patintero?
At patuloy na hinahabol mo?
Aahh! Si walo. Tatlo. Anim?
Yung ang hirap mapaamin?
Yung hanggang ngayo'y nagbabakasali ka pa rin?
Hindi ka pala makalimutin!
Isang katangahang magaling na magaling!

Tatlo. Lima. Walo
Ito ba yung banat mo?
Yung "Handa kong panindigan ang salitang  "Ikaw lang" basta wag mo lang akong tratuhin na parang "Wala lang"?
Aaahh! Banat ko pala to...
Kaya lang sinalo mo!
Nagtampisaw ka pa nga dito!
Nilangoy mo pa nga ito.
Paparoo't paparito...
Mabuti't hindi ka nahilo.

Tatlo. Lima. Walo
Yan bang hawak mong telepono?
Ay saksi ng banat mo?
Yung tipong "Joke Ra ni, dili ta magseryoso?"
Ang galing mo palang magtago...
Wala rasad ka nahago?
Idinadaan mo sa simpleng pagpapatawa.
Na parang bang buong sistema mo ay tuwang-tuwa.
Hindi ba masakit sa dibdib?
Yung paulit-ulit mong pinipilit?
Na masaya ka?
Na grabe ang saya-saya!

Tatlo. Lima. Walo
Naglalaro ka ba ng baraha?
Yung malapit ka ng manalo pero di mo makasa-kasa?
Kasi may pinanghahawakan ka?
Kasi ayaw mo pang lumaya?
Gusto mo palang ikulong..
Bakit hindi ka pa nagpaburol?
Dun' habang buhay kang hindi lalaya...
Kasabay mo pa rin yung pinanghahawakan mo kataga.

Tatlo. Lima. Walo
Magaling ka sa basketball diba?
Yung tipong sa pagdidrible ng bola ang  kamay ay bihasa?
Gikubalan na siguro na!
Sinabukan mo rin bang maka 3 points sa kanya?
Yung habang tinitira mo yung bola ang iyong mata'y sa kanya nakatama?
Kahit alam mong pwedeng pumasok
Kahit alam mong pwedeng hindi mo maisuksok...
Kahit todo pasikat ka sa slumdunk mo...
Eh wala pa rin tatalo sa paki niya sa'yo.

Tatlo. Lima. Walo
Masipag kang magpuyat...
Yung Wala Kang paki kung pumayat.
Kasi nga sabi mo 'bati ang tambok'...
Baka kapag ikaw ay tumaba magpakagat ka nalang sa lamok.
Ano bang pinagkakaabalahan mo?
At halos lahat ng gabi ay todo.
Yung walang palya...
Yung yakang-yaka.

Tatlo. Lima. Walo
Hindi ka mahilig sa libro.
Hindi mo pinangarap na maging bookworm kuno'
Kaya lang naghihintay kang may aalalay?
Ano yun tuturuan kang bigkasin ang mga salita ng buhay na buhay?
Nagagawa mong mamasyal sa libro..
Nang hindi naglalakad.
Nagagawa mo ring maramdaman yung lahat ng pakiramdam...
Nang hindi ikaw mismo ang nasasaktan at nasusugatan.

Hindi mo man kabisado ang mundo doy,
Wag Kang panghihinaan ng tuhod.
Wala tayo sa Military na pipilitin kang maging emotionally strong.
Nandito tayo sa mundo ng Corona Virus.
You versus Us..
You against the world.









The Poems Of ThoughtsMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon