Hindi ako sanay,
Na sa umaga ang almusal ay "Good morning bay!".
Nakakapanibago Naman!
Nakalimot na ata ako sa agahan.
Kasintahan ko pala siya,
Kaya dapat daw ako masanay na ang bumungad na umaga ay mga kataga niya.
Hindi talaga Kasi sanay,
Na kapag offline may mensaheng nag-aantay.
Isang masarap na almusal,
Ang pagbati mo na may kasamang dasal.
Masarap pa sa pandesal,
Mabango pa kape na may asukal.
Sana ganito ulit,
Yung almusal ko sa bawat pagdilat.
Sa umaga'y malalasap,
Na minsan Ang isang pangarap ay natupad.
BINABASA MO ANG
The Poems Of Thoughts
PoetryIto ay kompaylasyon ng mga tulang may iba't ibang sukat at tugma at talinghaga
