Nakatingin sa kisame,
Sumilay sa labi ang makahulugang ngiti .
Na kahit takpan ma'y ayaw mapawi,
Isang kahibangang kapuri-puri.Naglalakad na nakapaa sa buhangin,
Magkahawak kamay na isinasayaw sa hangin.
Nagpapalitan ng malagkit na tingin,
Para bang nagsasabing akin ka lang, yan ang pakaisipin.Ang bawat taghoy ng hangin ay huni ng isang panalangin,
Sa dalawang nilalang na hindi Alam Kung kapwa ba'y may pagtingin din.
Masyado na yatang mapusok ang damdamin,
Dumating pa sa puntong nabitin.Wala ng ikasasaya pa,
Sa pusong biglang nangarap ng mag-isa.
Kahit sa isipa'y may maituturing na pagsinta,
Bumalik man sa realidad, it ay hindi mabubura.
BINABASA MO ANG
The Poems Of Thoughts
PoetryIto ay kompaylasyon ng mga tulang may iba't ibang sukat at tugma at talinghaga