Ang ilaw ay napundi na,
Ang tugtog ng musika ay nabingi pa.
Lahat ay naghahanda sa bawat hakbang ng pamamaalam,
Na tila isang misteryosong hangin na dadampi at hindi na muling magpaparamdam.Kakambal nito ang oras na dahan dahan itong nilalapa,
Wari nginunguya, takam na takam talaga.
Ang hilakbot ng bawat uhaw sa saya,
Nagmistulang hagulgol ng pariwala.Tapos na ang palabas,
Tumigil na ang labas-masok ng ahas.
Nakakulong na rin ang mga baderitas,
Senyales na tapos na, lahat masisipaglabas

BINABASA MO ANG
The Poems Of Thoughts
PoesiaIto ay kompaylasyon ng mga tulang may iba't ibang sukat at tugma at talinghaga