Sakit

1 0 0
                                    


Dahan-dahang pumapatak ang mga luhang nababanta,
Paano ba'y magiging huli na ito na kakasimula pa.
Nagsisimula palang Kasi Ang kwento,
Pero bakit parang magwawakas na dito.

Marahil Tama na ang ilang beses na pangungulila,
Ilang beses na paghingi ng pagpapahalaga.
Kasi Kung tunay Kang nagmamahal,
Handa ka maglaan ng oras na Kay tagal.

Ngunit Mali yata,
Hindi Yata makatarungan magparaya.
Ako sa ganitong mundo,
Sa pag-iibigang ito ako Ang parating talo!

Batid Ng pusong iba ang iyong intensyon,
Hindi makatarungang rason.
Ang gawin akong panakip butas,
Sa puso mong unti-unti nalalagas.
Dahil ang babaeng Mahal mo ay tumakas at lumayas...

The Poems Of ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon