Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

Karera sa Daan

4 0 0
                                        


Tila naglalaro sa daan,
Takbuhan,harangan,banggaan ang labanan.
May Mga mata sa harapan,
Na kapag Gabi ay ilawan.

Nagtatakbo para makaalpas,
Sa mga sasakyang mas naunang tumakas.
Naliliyab sa nais ang kanilang tsuper,
Na Kung makataas Ng speed ay super.

Patintero sa Tao,
Nag uunahang makasalo.
Nang butihing may puso,
Na sa mga upua'y tigwawalo.

Panay Ang pito nito sa bawat kanto,
Na animo'y sinisigaw, 'Oh kayo diyan! Halina dito'.
Minsan din 'tabi tabi ako'y daan'
Sa mga sasakyang pinaglandakan 'ako Hari diyan!'.

Ang mga usok ay nagmistulang itim na paru-paro,
Ang sinong lilingon, mabubundol,mapapako.
Datapwat mahilig sa gasgas,
Hindi pinapalampas, Hindi aatras.

The Poems Of ThoughtsMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon