Stay
Nagising ako dahil sa kalabog na narinig. Agad akong nag panic ng makitang wala ng tao sa kama. Bakit ako nakatulog?!
Hinanap agad ng mata ko si Mr. Castro at nakahinga ako ng maluwag ng makitang hindi pa siya nakakalabas. Kailangan kasi ng key card at nakatago iyon sa akin.
Siguro sa sobrang kagustuhan niyang makatakas sa lugar na 'to ay hindi niya na maisip na kapain ako.
"Mr. Castro--" Naputol ang sinasabi ko ng humarap ito sa akin. Agad akong kinabahan ng makita ang madilim nitong mukha at nanlilisik na mata.
Napaatras ako ng agad itong sumugod sa akin. Hinawakan ako nito sa balikat at itinulak pasandal sa pader. Napangiwi ako sa sakit na naramdaman. Ang sakit ng likod ko!
"Where's the key?!" Napapikit ako sa lakas ng boses nito. I can almost taste the danger in his voice.
"G-Get off me!" Pumalag ako ngunit nagulat na lang ako ng mapunta ang kamay niya sa leeg ko at idiniin 'yon. Bumilis ang tibok ng puso ko sa takot.
"You choose, you will give it to me or you will die right here and right now?" Mariin niyang sinabi, umaapoy ang mata sa sobrang galit.
"Mr. Castro... we can talk about it in a nice way..." Mahinahon kong sinabi kahit na nararamdaman ko na ang pagsikip ng paghinga ko dahil sa sakal niya.
Lalong dumilim ang mukha niya, "Shut the fuck up, you fucking worthless!" Humigpit ang sakal niya at halos iangat na ako sa ere. Humapdi ang mata ko at napaubo ubo.
Sinubukan kong tumitig sa mata niya, "P-Please?" Napatigil siya sa pakiusap ko at napatitig sa mata ko. Unti unting umalis ang higpit ng kamay niya sa leeg ko. Kinuha ko ang pagkakataon na iyon upang itulak siya.
Napaluhod ako agad ng makaalis ako sa kanya, hawak ang aking leeg ay kumuha ako ng maraming hangin.
"Fuck!" Rinig kong sigaw ni Mr. Castro. Napatingin ako sa kanya. "Fuckkkk!!!" Nagulat ako ng sumigaw siya at pinagsusuntok ang pader.
Nanghihina man ay agad akong tumayo para kunin ang syringe na may lamang pampakalma.
"Caiuuussss!!! Why did you have to choose that mother fucker?! I love you with all my heart but you choose to be with him!!!" Nangunot ang noo ko sa sigaw niya kasabay ng awa na aking nararamdaman. Nakita ko siyang lumuhod at naririnig ko ang mahinang pag iyak niya.
Dahan dahan akong lumapit, ayaw ko man ngunit kailangan kong gawin ito. Kinuha ko ang pagkakataon na hindi siya gumagalaw at itinurok sa kanya ang syringe.
Napatigil siya at nanigas ang katawan, lumingon siya sa akin at nakita ko ang basa niya mga mata na galit at nakatingin sa 'kin.
"Fucking sonofabitch," Nanghihina niyang sinabi at bumagsak sa sahig. Agad ko siyang inalalayan at inihiga sa kama.
Inayos ko ang buhok niya at napatingin siya sa akin. Halata rito ang pagod at antok ngunit hindi naaalis ang sakit na nababasa sa mata niya.
Ngumiti ako at muling hinaplos ang mukha niya. "Everything will be alright, Mr. Castro..." Mahina kong sinabi, kitang kita ko ang pagkinang ng mata niya sa luha.
"Tell me... am I too ugly?" Umiling ako. "Am I too bad?" Umiling muli ako.
"You fucking liar. Why did he leave me?"
He?
I shrugged mentally, baka na misheard ko lang. "Siguro dahil hindi ka naman niya mahal?" Tanong ko at kinuha ang bimpo para ipunas sa pawis niya.
Bumalatay ang sakit sa mukha niya, "I know that, stupid. But I gave him everything, I did all the things for him to love me. And now? He's gone with that sonofabitch."
BINABASA MO ANG
Crazy Over You (BXB) ✔
General FictionCasthaniel Castro is inlove and obsessed with his friend Caius Xaveria, but he can't have him. He did everything but it wasn't enough, and now he was left alone with his broken heart. He gone crazy and obsessed and now he's confined at Nightingale H...