Chapter 45

31.4K 897 180
                                    

Fall harder

"Jaime? Please talk to me..." Naalis ang aking pagkatulala at napatingin sa gwapong mukha ni Casthan. His eyes were pleading.

"I-I believe in you." I said with sincerity, nagliwanag ang mukha niya. "Pero maraming tanong ang gumugulo parin sa isipan ko."

Ngumiti siya, "It's okay. You can ask me. Ngayong magkasama na tayo, marami tayong panahon para masagot 'yan."

Umiling ako na ipinagtaka niya, I can see nervousness in his eyes. "I'm sorry, Casthan. H-Hindi ako nandito para... m-makipagbalikan sa 'yo." Hirap na hirap 'kong pag amin, ngunit parang may kumokontra sa loob ko. Parang hindi sang-ayon sa sinabi ko.

"H-Huh?"

"Bumalik ako dito dahil pinilit lang ako ng pamilya mo." Kita ko ang gulat sa kaniyang mata.

"Yes, they did the efforts just to make me go here. Alam mo bang lumuhod sa akin ang tatay mo? Ganiyan ka niya kamahal at ganiyan kaniya gustong tulungan. Nagsisisi na siya, Casthan. I can even remember how he shed tears infront of me, begging me to come with them. Even Chloe... and Nathan. Kaya sana... mahanap mo ang kapatawaran sa puso mo."

"S-So you are saying... you just forced yourself to went here?" His voice broke.

Agad akong umiling, "No, of course not. When they told me about their condition, I really want to help you kaya umuwi ako dito. Iniwan ko sila Nanay para tulungan ka," I stared at him for a few seconds, nagdedesisyon kung itutuloy ang sinasabi. I don't want to hurt him pero mas maganda ng maaga na niyang malaman. "P-Para tulungan ka lang at hindi balikan kang muli o makipag-ayos sayo." Ang tungki ng kaniyang ilong ay pula na. His eyes were moist.

"Y-You don't love me anymore? Wala na bang kahit anong natitira pa diyan?"

Hindi ako nakasagot. Mas pinili ko na wag na lamang. Ayoko ng bigyan pa siya ng pag-asa. I already promised to myself and to Nanay that I'm just here to help Casthan and not to fix everything about us.

There is a gap between us now. Oo, napatawad ko na siya sa mga kamaliang ginawa niya pero mahirap kalimutan. That memory was a nightmare to me.

Hindi maalis-alis ang eksenang 'yon sa isipan ko. Gabi-gabi akong umiiyak, hinihiling na sana makalimutan na iyon. I am traumatized because of it. Hindi niyo ako masisisi sapagkat unang pag-ibig ko si Casthan and I never thought na sobrang sakit ang ipaparanas niya sa akin.

Because of that, I questioned my worth. Kung saan ako nagkulang. Kung sumobra na ba ako. Pakiramdam ko mabilis lang akong palitan, ang pagmamahal ko ay hindi naging sapat sa kaniya kaya nagwa niya pang maghanap ng iba.

"O-Okay... you d-don't need to answer. I can see it in your eyes," The pain is very visible in his eyes. Ngumiti siya ng malungkot, "Kasalanan ko naman 'to. Kung hindi lang siguro ako nagpadala ng emosyon ko... ng galit at selos ko, hindi mo 'ko iiwan at hindi na sana tayo umabot sa puntong 'to. I hate myself for being like this. Siguro nga... tama yung mga sinasabi ng mga nurses dito... na wala akong karapatan magmahal dahil isa akong b-baliw. I'm too obsessed, sa sobrang pagmamahal ko sa 'yo ay nasasaktan na kita." Humikbi siya at iniwas ang tingin sa akin. Umiling ako sa kaniyang mga sinasabi.

"No, Casthan. Hindi ka baliw, you're just blinded because of your too much love. Deserve mo ang magmahal at mahalin pabalik." Ngumiti ako ng malungkot, "But sadly, hindi ako 'yon. Tinanggap ko na hindi talaga tayo para sa isa't-isa. Masyado kang mataas para sa akin-"

"What are you saying?!" Agad siyang napatingin sa akin at galit ang kaniyang luhaang mata. "I already told you that before. Wala akong paki diyan kasi kung kasama kita kaya natin harapin ang lahat! Yun lang ba ang dahilan kaya ayaw mo na sa akin ngayon? Then I'll change my surname, hihiwalay ako sa pamilya ko at mabubuhay tayo ng simple! Kahit saan mo gusto!"

Crazy Over You (BXB) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon