Mad
"Good morning, Jaime!" Napalingon ako kay Nathan na sa tingin ko ay kakababa lang.
Ngumiti ako sa kanya, "Magandang umaga din," Tapos ay bumalik ako sa ginagawa ko. Napag-isipan ko kasi na lutuan si Casthan ng almusal dahil maganda ang tulog ko kagabi. Napangiti ako nang maalala ang nangyari.
"Bakit ikaw ang nagluluto? Nasaan sina Manang?" Narinig kong tanong niya.
"Gusto ko lang magluto at saka nagpaalam narin ako kay Manang na hihiramin ko ang kusina niya."
"Para ba 'yan kay Casthan?" Nagulat ako nang bigla siya sumulpot sa tabi ko. Mukhang nakita niya ang reaksyon ko kaya natawa siya.
Hindi ko alam kung bakit lagi ako nitong pinagtatawanan. Mukha ba akong clown?
"Ayos ka lang?" Natatawa niyang tanong. Tumango ako at hinalo ang niluluto.
Mas lalo pa siyang lumapit sa akin at nagkakadikit na ang aming balikat. Kumunot ang noo ko sa ginawa niya pero hindi ako nagsalita.
"Hmmm... ang bango naman, lalo tuloy ako nakaramdam ng gutom." Saad niya at parang tanga na inaamoy ang niluluto ko.
Anong mabango sa sinangag?
Umiling ako sa kabaliwan niya at bahagyang lumayo. Pinatay ko na ang apoy at inilagay sa malaking plato ang kanin.
"Saan ka natutong magluto?" Muntik na akong mapatalon sa gulat dahil sa bigla niyang pagsasalita. Nasa likod ko pa siya at nakadungaw sa may balikat ko!
Anong trip nito ni Nathan?
Kahit naiilang ay sumagot parin ako, "S-Sa nanay ko,"
"Hm. Pwede din ba akong magpaturo sa 'yo?" Tanong niya at nanlaki ang mata ko nang maramdaman ko na ang katawan niya sa likod ko!
Bago pa ako gumawa nang hakbang para makalayo ay nakarinig na ako nang isang kalabog at isang galit na sigaw.
"What the fuck?" Agad akong umalis sa harap ni Nathan nang marinig ko ang sigaw ni Casthan.
Humarap ako sa kanya at nakita ko ang madilim nitong mukha at nagtatagis na bagang. His eyes were filled by jealousy and anger.
Jealousy? Nahihibang lang yata ako.
"What are you doing, Nathan? Are you hitting on my nurse?!" Dagdag pa nito. Tumawa lang si Nathan na mas lalong nakapagpagalit kay Casthan.
Taas baba na ang dibdib nito at kuyom na kuyom ang kamao. Humakbang ito palapit kay Nathan at napasinghap ako nang hapitin nito ang kapatid sa neckline ng damit gamit ang isang kamay nito!
Nataranta ako at agad lumapit sa kanila. "C-Casthan..." Tawag ko sa kaniya at kabadong hinawakan ang kamay niya. Pinilit ko itong maihiwalay sa leegan ng kakambal ngunit nagulat lang ako ng iwasiwas nito ang kamay ko.
Sinamaan niya ng tingin kaming dalawa ni Nathan bago kami talikuran at mabilis na umakyat sa kwarto.
"He's so jealous." Napatingin ako kay Nathan nang magsalita siya. May malaking ngisi ang labi nito at nakatingin sa pinasukan ni Casthan.
Nakaramdam ako ng inis ngunit pinigilan kong magsalita kay Nathan. Bakit pakiramdam ko ay pinaglalaruan niya kami?
Tumalikod ako at inihanda ang tray. Sa halip na sabay sabay kaming kumain dito sa dining hall ay hindi na matutuloy dahil sa ginawa ni Nathan.
Ginalit niya si Casthan! At kailangan ko siya suyuin. Ang hirap niyang pamong lambingin! Dahil alam ko kapag hinayaan ko lang siya ay hindi siya kakain buong araw at hindi siya iinom ng gamot. Ganoon katigas ang ulo ni Casthan.
BINABASA MO ANG
Crazy Over You (BXB) ✔
General FictionCasthaniel Castro is inlove and obsessed with his friend Caius Xaveria, but he can't have him. He did everything but it wasn't enough, and now he was left alone with his broken heart. He gone crazy and obsessed and now he's confined at Nightingale H...