Chapter 7

23.9K 890 99
                                    

I'm not Caius

"Bakit kasi nag iba ang schedule ng trabaho mo, anak?" Tanong sakin ni Nanay habang kumakain kami ng almusal.

"Ginusto ko po kasi, 'Nay, at saka maganda na po iyon para mas lumaki ang sahod ko." Lumungkot ang mukha niya at tinignan ang kapatid kong kumakain at walang imik.

"Malaki nga ang sahod mo pero mawawalan ka ng oras sa bahay. Kay Butchoy, kawawa naman." Bumuntong hininga ako at ibinaba ang hawak na kutsara. Inakbayan ko ang aking kapatid at ginulo ang buhok. Trying to cheer him up.

"Butchoy... uuwi naman si Kuya tuwing weekends 'e. At saka aalis tayo bukas 'di ba? Wag ka nang malungkot, malulungkot din si Kuya. Gusto mo ba 'yon?" Umiling siya ngunit hindi nagsalita. Maya maya ay marinig ko ang pagsinghot niya at ang pagyakap niya sa akin.

Nanginginig ang katawan niya sa pag iyak at sunod sunod na humikbi. "K-kuyaaa!" Iyak niya sa pangalan ko.

Napangiti ako at hinaplos ang buhok niya. "Ang iyakin naman ni bunso. Maging mabait ka kay Nanay 'ha? Wag kang makulit. Hayaan mo, binilhan kita ng tablet para may malaro ka. Gusto mo 'yon?"

Umiling siya sa dibdib ko. "A-Ayoko, Kuya... O-Okay lang kahit wala akong g-gadgets, wag ka lang umalis!" Iniharap ko ang mukha niya sa akin at pinisil ang pisngi niyang matambok at namumula dahil sa pag iyak. Ganoon din ang ilong niya.

"Ang sweet sweet naman ng kapatid ko! Kaya love na love ka ni Kuya 'e." Hinalikan ko siya sa noo at pinakandong sa akin. "Bigat mo!" Natatawa kong sinabi. Natawa din si Nanay.

"Wag ka na kasi umalis, Kuya!" Sigaw niya. I sighed again and kiss his head.

"I'm sorry, Butchoy... Pero kailangan talaga 'e. Wag ka na umiyak. Iiyak din ako, sige ka." Suminghot siya at naramdaman ko ang pagpunas ng luha niya.

"Sorry, Kuya..." Mahina niyang sinabi. Napangiti ako at napatingin kay Nanay. She gives me a thumbs up.

"Basta wag kang iiyak pag umalis ako 'ha? Uuwi naman ulit ako bukas."

"Opo, Kuya..." Nilapit ko ang pinggan niya at ako na ang nagsubo sa kanya.

Pagkatapos kumain ay nilinis ko ang pinagkainan namin bago pumunta sa kwarto ko at kunin ang dadalhin kong bag.

"Butchoy, aalis na ang Kuya mo..." Narinig kong sinabi ni Mama kay Butchoy na kasalukuyang nakatalikod sa amin dahil nanunuod ng TV.

Lumingon ito sa pwesto namin at nakahinga ako ng maluwag dahil hindi malungkot ang mukha nito. Tumayo ito mula sa kinauupuan at sinugod ako ng yakap.

"Kuyaaaa! Lagi ka pong magte-text kay Nanay 'ha?" Tumawa ako sa kacute-an niya. Ginulo ko ang buhok niya at bahagyang lumuhod para pantayan siya.

"Opo. Tatawag din ako. Wag kang makulit 'ha?"

"Basta po yung tablet ko po 'ha?"

Tumawa ako at mahinang pinitik ang noo niya. "Akala ko ba ayaw mo?"

Lumabi siya at napapikit pikit, "Joke lang 'yon, Kuya! Naniwala ka naman!" Tapos ay tumawa siya, ganoon din si Mama.

"Oo, bukas bibili tayo. Matulog ka ng maaga mamaya. Wag mong pasakitin ang ulo ni Nanay." Tumango tango siya.

"Very good!" Humagikhik ito. Hinalikan ko ang noo niya at tumayo na.

Lumingon ako kay Nanay at humalik din sa noo nito. "Aalis na po ako, Nay. Mag text na lang po kayo, hihintayin ko po."

Ngumiti ito at pinasadahan ng palad ang polo ko tapos ay inayos ang mangga ko. "Mag ingat ka 'don, Jaime."

I gave her a warm smile, "Opo. Kayo din dito..."

Crazy Over You (BXB) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon