Chapter 47

31.4K 932 141
                                    

SPG

Dominant

Sa mga sunod na tagpo ay ganoon parin ang nangyayari, napakakulit ni Casthan! Para siyang batang ayaw mawala ang ina sa tabi. At syempre ako ang ina.

Ilang araw akong hindi makauwi sa mansyon nila para kumuha ng aking gamit dahil ayaw ni Casthan. Tinakot niya pa akong magwawala siya kapag umalis ako.

Mabuti na lang at nandyan sila Nathan para pagdalhan ako ng damit. Pwede naman akong manghiram kay Casthan kaso yung underwear. Hindi naman pwedeng pati iyon ay hiramin ko, dahil sigurado hindi kasya 'yon sa akin.

Hindi pa siya nakakalabas ng hospital. Aware na ang mga doctors na ayos na ang kalagayan niya pero ibinilin sa akin na mag stay pa siya dito sa hospital ng isang linggo bago siya tuluyang makauwi. Kailangan pa kasi nila mag run ng test to make sure na mentally stable na si Casthan at pwede na siyang ilabas sa public. Naiintindihan ko naman ang iniisip nila, may tendency pa kasi na baka mag-out of control si Casthan pag may maraming tao at makapanakit pa ng iba.

At ngayong araw ang hinihintay naming paglabas ng results. Siguro ay mamayang hapon pa iyon madadala dito sa kwarto.

Ang ama naman ni Casthan ay medyo nag lie-low sa kaniyang anak. Umiwas ito at hindi parin nagpapakita hanggang ngayon mula noong magkausap sila ng anak. Ngunit nangangamusta parin ito sa pamamagitan ko. Minsan ay nanghihingi pa ng litrato sa akin.

"Baby..." Hindi ko mapigilan ang mapa-irap sa pagtawag sa akin ni Casthan.

"Don't call me a baby, Casthan! I'm already a grown man!" Iritado kong pagsasaway sa kaniya kaso ang lalaki ay ngumuso lang at pinalungkot ang mukha.

"But you're my baby." Sagot pa nito tapos ay isinandal ang ulo sa balikat ko.

Nandito kami ngayon sa kama niya at nakaupo. Nakasandal pareho sa head rest ng kama at kasalukuyang nanunuod ng movie.

Iniwas ko ang balikat ko sa kaniya. Naiinis na talaga ako! "I'm not. At tandaan mo, Casthan, nanliligaw ka palang 'di ba? Wag kang umastang boyfriend kita!"

"Why are you shouting at me?" Malungkot niyang tanong tapos ay medyo lumayo pa sa akin na tila nagtatampo.

Pumikit ako ng mariin para mapigilan ang pagsabog ko. Nagbilang ako ng isa hanggang sampu pagkatapos ay huminga ng malalim. "Tigilan mo ang pagiging pabebe mo, Casthan. You should be the dominant one!"

"Naglalambing lang naman ako,"

"Pwes tigilan mo dahil hindi ako natutuwa diyan sa paglalambing mo." Matigas kong saad at nanahimik siya. Sinilip ko ang ekspresyon ng kaniyang mukha at kita kong seryoso ito. Parang may iniisip.

Agad naman akong naguilty. Baka nasaktan ko siya sa sinabi ko. 'E totoo naman kasi! Hindi ako sanay sa pagiging malambing niya. I mean, alam ko namang dati pang sweet si Casthan pero hindi naman ganito na parang babae na siya umasta.

"Do you really want me to be a dominant?" Napalunok ako sa kalamigan ng boses niya. Hindi ako sumagot bagkus ay napayuko na lang.

"Silence means yes, so let me show you what you really want." Nagtaka ako sa kaniyang sinabi kaya napatingin ako sa kaniya.

"W-What do you mean?" Kabado kong tanong. Umangat ang gilid ng labi niya at nagulat ako ng sapuhin niya ang mukha ko at agad na siniil ng madiin na halik!

Nanlaki ang mata ko at agad siyang tinulak sa dibdib ngunit marahas niyang ibinaba iyon at halos nguyain na ang labi ko.

"C-Casthan! Hmmmm!" I tried to speak out his name ngunit siya ay nagtuloy tuloy sa marahas na halik.

Crazy Over You (BXB) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon