Chapter 36

27.8K 838 365
                                    

Leave

Nagising ako dahil sa isang panaginip. Kung saan may mahal ng iba si Casthan.

Nararamdaman ko sa likod ko ang malambot na kama. Dahan dahan kong minulat ang aking mata at nakaramdam ako ng panghahapdi. Halos hindi ko na madilat ang mga mata ko.

Bumungad sa akin ang pamilyar na kwarto. Ang kwarto ni Casthan. Habang tinititigan ang kisame ay ang unting unting pagbalik ng mga nangyari sa akin kanina.

Si Casthan... Si Sabrina... nagtatalik... at ang pagkawala ko ng ulirat.

Kasabay noon ay ang pagdagsa ng sakit sa akin. Ang paninikip ng aking dibdib at muling panghahapdi ng aking mata.

Nakarinig ako ng yabag na papasok sa kwarto kaya muli akong nagtulugtulugan. Kuyom ang aking kamao para pigilan ang pag iyak at ang panginginig ng labi.

Pagkarinig ko palang ng pagbukas ng pinto ay naamoy ko na ang pabango ni Casthan. Dahan dahan ang hakbang niya hanggang sa maramdaman ko ang presensya niya sa gilid.

Napariin ang aking pagkakapikit ng maramdaman ko ang paghalik niya sa aking noo at paghawak sa kamay ko.

Hinaplos niya ang noo ko at paulit ulit na hinalikan ang kamay ko.

"Jaime..." Mahinang bulong niya. Nabasag pa sa dulo. "B-Babe..." Dagdag pa ulit nito at nagsimula na ang mahina niyang pag iyak.

"I-I know, y-you can't hear me right now... but I'm sorry... I-I'm really sorry. I was blinded by my emotion, by my anger and jealousy. I-I don't know what the fuck comes to my mind and did that to you. Shit! Fuck!" Lumakas ang iyak niya at naramdaman ko ang pagyakap niya sa akin at pagdukdok ng mukha sa aking braso.

"W-Wag mo akong iiwan... Please... Please..." Parang batang iyak niya sa akin. Ang pinipigilang luha sa mata ko ay bumuhos na. Ngunit hindi ako gumalaw.

Sinilip ko siya gamit ang aking isang mata at nakita ko ang malaki niyang rebulto na nakasiksik sa akin. Nanginginig ang katawan nito sa sobrang pag iyak. Ang balikat ay taas baba at panay ang iling niya.

"It's my fault! It's my fucking fault! I'm so fucking stupid!" Aniya. Tinitigan ko siya habang hindi pa siya nakabaling sa akin.

Para saan pa ang sorry mo, Casthan? Para saan pa ang pangsisisi mo sa sarili mo? The damage has been done. Nasaktan na 'ko. Naranasan ko na ang patayin ng paulit ulit.

Sana bago mo ginawa iyon kay Sabrina, bago mo siya hinalikan, hinubaran, naisip mo ng masasaktan ako.

I'm tired of understanding you. Bakit wala kang tiwala sa akin? Bakit agad kang humusga na hindi mo naman alam ang sitwasyon?

Sana nga nabuntis ko na lang si Jusa, at least may dahilan ka para gawin itong kahayupan sa akin. Maiintindihan ko pa at hindi ko isisiksik ang sarili ko sayo.

Pero hindi 'e. Nagpadala ka sa emosyon mo. Hindi ka nagtanong, mas pinili mo pa ang saktan ako.

Siguro... hindi ikaw ang talagang para sa akin at ako para sayo.

Lumabas ang hikbi sa aking bibig na nagpaagaw ng pansin niya. Ang kanyang lumuluhang mata ay nanlaki at lalo akong niyakap ng mahigpit.

"J-Jaime! Don't leave me! Please! I'll do anything! Please!" Agad niyang sigaw sa akin. Naghihisterya ito at hindi mapakali.

Nanginginig man ang labi ay nginitian ko siya kasabay ng pagpunas ko ng luha niya.

Wala kang karapatang umiyak, Casthan.

"Hindi ako aalis." Mahina kong sabi. Ang mukha nito ay napalitan ng ginhawa ngunit ang mata ay may pangamba pa.

"I'm sorry for--" Pinutol ko ang sinasabi niya gamit ang pagtakip sa bibig niya. Muli akong ngumiti.

"You can explain tomorrow, Casthan. Now, lay beside me. I want you to sleep. Tignan mo 'yang mata mo. Halatang pagod. Bukas na tayo mag-usap, hm?" Malambing kong sinabi. Napatitig siya sa akin, binabasa ang mata ko bago dahan dahang tumango.

Lumawak ang ngiti ko at umusog para makahiga siya sa tabi ko. Sinunod niya ang utos ko tapos ay agad sa akin sumiksik.

Nakayakap siya sa akin at nakadantay ang kanyang binti sa binti ko tapos ay nakatitig sa akin ng mabuti. Parang ayaw akong pakawalan.

"I don't want to hear any explanation, okay? We have time for that. Magpahinga muna tayo. Masyadong nakakapagod ang araw na 'to." Muli kong sinabi sa kanya. Tumango siya na parang bata at para na namang iiyak.

"Why are you so kind?" Mahina niyang sabi sa akin. Nginitian ko lang siya.

Masasabi mo pa kaya 'yan kapag gumising ka na wala na ako?

Hinaplos ko ang noo niya. "Tulog na tayo. I love you, Casthan." Doon lumabas ang kanyang ngiti at nagliwanag ang mukha. Hinalikan niya ang labi ko at muntik ko na siyang maitulak 'don kung hindi ko lang pinigilan ang sarili ko.

Yung labi na dating gustong gusto kong tignan at halikan, ngayon pinandidirihan ko na.

"I love you too." Malambing niyang sagot at sumiksik sa leeg ko.

Tumitig ako sa kisame habang hinihintay siyang makatulog. Maya maya pa ay bumigat na ang hininga niya at naririnig ko narin ang mahinang hilik niya.

Pinunasan ko muna ang mga luhang muling pumatak bago dahan dahang alisin ang pagkakagapos niya sa katawan ko.

Nakahinga ako ng maluwag nang makaalis ako ng kama. Itinabi ko ang malaking unan sa kaniya at ipinayakap iyon tapos ay nilagyan siya ng kumot.

Habang tinititigan ang mukha niya sa huling sandali ay otomatikong lumalabas ang luha ko. Muli kong naaalala ang kapangahasan na ginawa niya sa akin.

Umiwas ako ng tingin at tinignan ang daliri kong may singsing. Inalis ko iyon at nilapag sa side table niya. Isa iyong promise ring na binili niya sa akin noong bago siya umalis para sa isang business trip.

Sobrang bigat ng aking loob ng nilisan ko ang condo niya. Sa pagsakay ko sa taxi ay panay ang iyak ko hanggang sa makauwi ako ng bahay.

Papasikat na ang araw kaya nagmamadali ako pagpasok sa bahay. Naabutan ko sina Inay, Butchoy at Jusa sa sala. Sabay sabay pa silang tumayo nang makapasok ako. Punong puno ang pag aalala ang mga mata nito lalo na ng makita akong lumuluha.

"Anong nangyari?" Nag aalalang tanong ni Nanay.

"Nay, kailangan na nating umalis. Ipapaliwanag ko na lang pag nakalayo na tayo. Bilisan na natin bago pa magising si Casthan." Pagkasabi ko 'non ay parang naintindihan na nila ang nangyari sa akin.

Tulong tulong kaming naghakot ng mga importanteng gamit. Buti na lang ay hindi ako kinulit mi Butchoy, sa halip ay tumulong rin siya.

Nang ma-lock namin ang pinto ng bahay ay sumakay na agad kami ng taxi papuntang terminal.

Tirik na ang araw ng makasakay kami sa bus. Patungo kami sa Pampanga, kung saan may binili akong bahay doon gamit ang mahigit isang taon kong pagtatrabaho kina Nathan.

"Kuya, saan tayo pupunta?" Tanong sa akin ng aking kapatid.

Ngumiti ako. "Sa bago nating bahay." Nanlaki ang mata niya at pumalakpak ngunit agad ding nawala iyon.

"Hala! Paano na niyan si amo mo? Hindi ko na makikita si Kuya Casthan?" Malungkot na saad nito.

"Makikita. Bibisita naman siya sa atin doon kaya wag kang mag alala." Tumango ito at binalingan sina Inay na tahimik na nakikinig sa amin.

Nagtama ang tingin namin ni Inay at puno ng pag aalala ang kanyang mata. Binigyan ko lamang siya ng isang maliit na ngiti at ibinaling ang paningin ko sa bintana.

Habang palayo ng palayo ang bus ay ang paggaan ng loob ko. Simula ngayon ay kakalimutan na kita, Casthan. Magiging isa ka na lang na ala-ala na ipagpapasalamat kong dumaan sa buhay ko.

Kahit masakit, kakayanin ko.

Crazy Over You (BXB) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon