Deepest Secret
Naalala ko noon ang sinabi ng tatay ko sa akin, kung ano daw ang gusto ko, 'yon ang sundin ko. Dapat maging matapang ako, huwag akong magpapa-apekto sa sasabihin ng iba.
Pero habang lumalaki ako, habang namumulat na ako sa mga bagay sa mundo ay naisip kong magtago, maging duwag dahil kahit naman anong paliwanag mo ay hindi ka nila papaniwalaan. Hindi ka nila maintindihan.
Lalo akong napanghinaan ng loob nang mawala ang Itay. Wala nang magtatanggol sa amin, tuluyan na akong nanghina, nawalan ng pag-asa para ilabas kung sino ang tunay na ako.
I'm a closet gay, that's my deepest secret. Ngunit ilang taon narin nang pilitin kong baguhin ang sarili ko. Dahil alam ko, kahit anong tago ko. Lalabas at lalabas din ang katotohanan.
Kaya naisip ko, babaguhin ko na lang ang sarili ko. Pipilitin na lang ang kung anong dapat. Ginawa ko ang sarili kong maging tunay na lalaki.
Sinubukan kong magka-girlfriend para patunayan sa mga taong nam-bully sa akin noon na tunay akong lalaki at patunayan na mali ang iniisip nila. Ngunit hindi rin kami nagtagal dahil nalaman niya ang sekreto ko.
Natakot ako noon ngunit nawala din dahil sinabi niyang wala siyang pagsasabihan 'non. Ang swerte ko sa dahil mabait ang naging unang kasintahan ko.
Pinalabas niya noon na babaero ako kaya naghiwalay kami. Dahil doon ay umiwas na ang mga taong nanghinala at nag-abuso sa akin.
And until now, pinatili ko ang sekreto ko. Niloko ko narin ang sarili ko na lalaki ako at ayokong maging homosexual. Dahil ayoko na ulit maulit ang mga nangyari noon.
"Babe?" I stopped from reminiscing when I heard Casthan voice. Napangiti ako sa tinawag niya sa akin. He always been calling me 'babe' since that day.
Ayoko mang aminin ay kinikilig ako.
Tumingin ako sa kanya at nakita ko ang iritado nitong mukha. Natawa ako. "What?"
Sumimangot siya, "Are you listening to me?"
"Of course." Naningkit ang mata niya sa aking sinabi. Nagdududa sa aking sinagot. Lalo akong natawa sa mukha niya. Hindi ko na napigilan ay pinisil ko ang pisngi niya.
Iritableng inalis niya naman iyon at sinamaan ako ng tingin, "Stop pinching my cheeks!" He growled at me kaso umiling lang ako at humilig sa dibdib niya.
Kasalukuyan kasi kaming naka-upo sa couch niya at nanunuod ng TV sa kwarto. Naramdaman ko ang gulat niya at pagiging tense niya sa ginawa ko.
Ngumiti na lang ako. Hanggang ngayon ay nagtataka parin siya sa mga inakto ko. Mas lalo kasi akong naging madikit sa kanya, naging malambing. Nag-eeffort akong lutuan siya araw araw ng pagkain with a sticky notes pa!
Si Nathan naman ay napapansin din ang ginagawa ko ngunit ang nakakagulat lang ay hindi niya ako kinausap tungkol 'don. Pero siguro mas maganda na iyon.
Naramdaman ko ang pag-ikot ng kamay niya sa balikat ko at ang paghalik sa tuktok ng aking ulo. Bumilis ang tibok ng puso ko.
Masaya na ako ngayon dito sa relasyon namin na 'to. Relasyon na walang label. Para narin kaming magkasintahan sa ginagawa namin pero mas masaya kung parehas ang nararamdaman namin.
"I want to date you." Narinig kong sabi niya kaya tumingala ako.
"Really?" Parang nagpalakpakan ang tenga ko sa sinabi niya.
"Yes, and I will talk to Nathan if I can go out with you."
Tumango ako at umayos ng upo. "Tutulungan kita. Sana mapapayag natin siya." Ang kanyang berdeng mata ay kuminang dahil sa sinabi ko. He has this cute smile while looking at me.
BINABASA MO ANG
Crazy Over You (BXB) ✔
General FictionCasthaniel Castro is inlove and obsessed with his friend Caius Xaveria, but he can't have him. He did everything but it wasn't enough, and now he was left alone with his broken heart. He gone crazy and obsessed and now he's confined at Nightingale H...