Harrassed
I'm holding my laugh while Jane keeps glaring at me. I'm sure that she was killing me in her mind. Kakabalik ko lang galing kay Ms. Dizon. And yes, hindi ko siya ginising at hinayaan siya sa sofa na matulog.
Kaya pagkapasok ko sa opisina ay bumungad sa akin ang magulo niyang buhok habang nakaupo na sa sofa. Halos tunawin ako ng masamang titig niya.
Tumikhim ako, "Hindi ka pa ba mag-aayos? It's already lunch."
"I hate you, Doc!" Halos tili niya sa akin at gigil na ginulo pa lalo ang buhok niya.
I covered my mouth to stop myself from laughing. Huminga ako ng malalim para pigilan iyon. Ang sakit sa panga pag nagpipigil ka ng tawa.
"Hindi ka na sasama? Okay." Kalmado kong sinabi sa kanya. Mas lalong sumama ang tingin niya at inirap-irapan ako.
"Syempre sasama! How dare you, Doc. Magsisisi ka!" Padabog niyang sambit at lumabas ng opisina para siguro mag ayos na. Nasa labas kasi ang bag niya. Buti na lang para magkaroon ako ng pagkakataon tumawa.
Kinuha ko ang paper bag, kung nasaan ang baon ko at lumabas na ng opisina. Saktong kakatapos lang din ni Jane mag-ayos. She rolled her eyes at me at mas nauna pang maglakad sa akin patungong elevator.
Habang nasa elevator ay wala akong nakuha sa kaniya kundi ang kaniyang irap sa akin sa tuwing magtatama ang aming paningin sa reflection namin sa elevator.
Nakarating kami sa office ni Doc Troy at nandoon sa labas ang assistant niyang si Carlo.
"Good afternoon, Doc Jaime, Jane." Binati ko siya pabalik ngunit itong si Jane ay inirapan din pati si Carlo.
"Walang good sa afternoon!" Gigil nitong sinabi kay Carlo na ikinakunot ng noo ng huli. Natawa ako. Baliw talaga 'tong si Jane.
"Nandyan si Doc Troy?" Tanong ko.
"Yes, Doc. Actually, he is waiting for you." Aniya at kumatok sa opisina. "Doc? Doctor Jaime is here."
"Let him in." Narinig kong sagot mula sa loob. Binuksan ni Carlo ang pintuan kaya naglakad na ako papasok. Nakangiting Doc Troy ang bumungad sa akin ngunit ng makita niya kung sino ang nasa likod ko ay nawala panandalian ang ngiti niya. There's disappointment crossed to his eyes.
"Oh, hi, Ms. Jane." Bati nito sa kasama ko at bumaling sa akin. "You may sit at my couch. What do you want to eat?"
Umiling ako at ngumiti. "I have my own food. You can ask Jane." Natigilan siya at saka lang napansin ang dala kong paper bag.
"Okay. Didn't notice that." He let out a chuckle. "Hey, Ms. Jane. Can you accompany my assistant to buy our lunch? You can tell him what you want too. Don't worry, my treat." Kumunot ang noo ko at lumingon kay Jane na hilaw na ang ngiti.
Tumikhim ito, "Of course, Doc. Thank you but I can buy my lunch." Malamig na sinabi nito at tumalikod palabas ng opisina.
Nawala lang ang paningin ko 'don nang biglang may humawak sa braso ko. Napalingon ako at nakita ko si Doc Troy na nakalapit na pala sa akin.
Ramdam ko na ang init ng katawan niya kaya lumayo ako ng bahagya. Bumaba ang tingin ko sa kamay niyang nakahawak sa braso ko, mukhang napansin niya iyon kaya tinanggal niya.
"Let's sit?" He awkwardly said. Tumango ako at umupo. Pinanuod ko siyang hilahin ang lamesa sa tapat ng inuupuan ko. Ito yata ang pagkakainan namin.
Umupo siya sa tabi ko at nilagay ang kamay sa sandalan ng upuan. Hindi ko iyon pinansin at nilabas ang laman ng paper bag.
I can sense something. There's something different with Doctor Troy. But that's impossible...
"So... who cooked your lunch?" Panimulang tanong niya.
BINABASA MO ANG
Crazy Over You (BXB) ✔
General FictionCasthaniel Castro is inlove and obsessed with his friend Caius Xaveria, but he can't have him. He did everything but it wasn't enough, and now he was left alone with his broken heart. He gone crazy and obsessed and now he's confined at Nightingale H...