Sane
Alas otso pasado na nang gabi ng makauwi kami. Pagod na pagod sila Nanay kaya agad silang nakatulog. Buti na lang at nakakain na kami ng hapunan bago umuwi.
Si Jusa naman ay umuwi na. Balak pa sanang magsleep over dito kung hindi ko siya pinagbawalan. Maliit na nga ang bahay tapos dadagdag pa siya.
Kakatapos ko lang maligo at nagse-sepilyo na ako nang biglang tumunog ang cellphone ko. Hindi ko muna pinansin at inayos ang ginagawa. Pinunasan ko ang mukha ko at inilagay sa balikat ang face towel.
Naglakad ako patungo sa lamesa at hinawakan ang phone kong nagcha-charge. Pagkabukas ay bumungad sa akin ang madaming unread messages mula kay Mr. Craine.
Kumunot ang noo ko at binasa iyon,
Mr. Craine:
Nurse Jaime! Why are you not replying to my text?! Casthan gone wild again and he's looking for you!Bumilis ang tibok ng puso ko at nanlamig ang tiyan. Hindi ko na tinugon ang mensahe at mabilis na nagbihis ng casual na damit.
Binunot ko mula sa charger ang phone at mabilis na lumabas ng bahay.
"O, Jaime? Nagmamadali ka yata?" Narinig kong tanong ni Mang Kanor. Sandali akong sumulyap sa kanya at binigyan lamang siya ng tango.
Nang makasakay ako sa jeep ay nagtipa ako ng mensahe para kay Nanay, pati narin kay Mr. Craine.
Ilang minuto pa ang lumipas ay nakarating na ako sa tapat ng hospital. Buti na lang at sumangayon sa akin ang trapiko kaya madali akong nakapunta.
Binati ako ng guard ngunit hindi ko na ito nabati pabalik dahil nagmamadali ako. Sumakay ako sa elevator at tumitig sa numerong nasa harapan ko.
Nang huminto ang elevator ay agad na akong tumakbo papunta sa room ni Casthan. Nakarinig agad ako ng ingay nang makalapit ako doon.
"Casthan! Put that down!" Narinig kong sigaw ni Mr. Craine. Napapikit ako ng marinig ko ang pagsigaw ni Casthan.
"No! Where's my Caius?! Give me back my Caius!" Bahagyang kumirot ang puso ko sa hindi malaman na kadahilanan.
Akala ko ba ako ang hinahanap?
Umiling ako at pilit na inalis ang bigat ng loob. Bahagyang nakabukas ang pinto kaya dahan dahan kong itinulak iyon at pumasok.
Napasinghap ako sa nabungaran. Nagulat ako ng makitang duguan ang damit ni Casthan pati narin ang kamay nito. May hawak itong kung ano sa kamay at nakatutok sa leeg. Nakapalibot naman sa kanya ang limang nurses.
Malikot ang mata at pulang pula ito. Nagtatagis ang bagang at tila handang sugurin ang mga nakapalibot sa kanya.
Unang napatingin sa akin si Mr. Craine at nagulat ito. Mabilis itong lumapit sa akin at hinawakan ang braso ko.
"DON'T TOUCH HIM!" Agad kaming napatingin kay Casthan ng sumigaw ito. Ang kanina'y malikot na mata ay nanlilisik na ngayon at masama ang tingin sa pinsan.
Kinabahan ako at agad binitawan si Mr. Craine. "Mr. Craine, ako na po ang bahala rito. Pwede niyo po ba kaming iwan?" Tanong ko. Alam kong parang kabaliwan itong ginagawa ko pero sa tingin ko ay dapat ko lang 'tong gawin para wala ng mangyaring masama.
"Sigurado ka ba? Hindi mo siya kaya, baka kung ano ang gawin niya sayo." Nagaalala ang tono nito kaya kumunot ang noo ko. Kung ganoon, bakit niya pa ako pinatawag dito?
"I can manage this. Baka mas lalo lang may mapahamak pag madami tayo rito."
Tumitig siya sa akin ng ilang sandali tapos ay bumuntong hininga. "Fine. Just press the emergency button if anything will happen." Aniya tapos ay tinawag ang limang nurse.
BINABASA MO ANG
Crazy Over You (BXB) ✔
General FictionCasthaniel Castro is inlove and obsessed with his friend Caius Xaveria, but he can't have him. He did everything but it wasn't enough, and now he was left alone with his broken heart. He gone crazy and obsessed and now he's confined at Nightingale H...