Chapter 25

22K 738 73
                                    

You'll be mine

Lumipas ang mga oras at namalayan na lang namin na gabi na. Sumulyap ako sa lumang orasan namin at nakita kong magaalas-otso na.

Kakatapos lang namin kumain at kasalukuyang nagpapahinga. Tinignan ko si Casthan na nasa harapan ko at kandong kandong si Butchoy.

Kanina pa sila naglalaro at hindi ko alam kung paano nakuha ni Casthan ang loob ni Butchoy. At saka hindi ko naisip na nakikipaglaro siya sa bata.

He seemed so fond to Butchoy. Napapansin ko ang kanina niya pang pag-ngiti at pagtawa, hindi katulad ng unang pagkikita namin.

Napangiti ako sa naisip. Parang ang bilis lang ng panahon, na dati, sinasakal pa ako ni Casthan at ngayon hindi ko inakalang mahuhulog ako sa kanya.

Nagtama ang mata namin ni Casthan, kumikinang ang berde nitong mata tapos kumindat ito sa akin.

Hindi ko napigilan ang ngiti kaya umiwas ako ng tingin. Para akong teenager na pinansin na crush niya, kaya ngayon tinatago ang kilig.

Tumayo ako para puntahan si Nanay sa kwarto. Kailangan na naming magpaalam dahil baka kanina pa kami hinahanap ni Nathan.

Naabutan ko si Nanay na nag-aayos ng higaan. Tumikhim ako upang maagaw ang atensiyon niya.

Gulat siya napalingon at napangiti ng makita ako. "Bakit, anak?"

"Magpa-paalam na po kami, 'Nay. Kailangan na po kasi naming umuwi."

"Sige, akala ko dito kayo matutulog 'nong manliligaw mo."

Namilog ang mata ko, "Hindi ko po siya manliligaw. Nagbibiro lang yung amo ko, 'Nay."

Umiling siya at tumawa, "Alam ko ang nagbibiro at sa kung totoo ang sinabi. Bakit? Kinakahiya mo ba siya?"

"Hindi naman sa 'ganon, 'Nay... ayoko lang po kasi na ma-disappoint kayo sa akin." Humina ang boses ko sa dulo at binagsak ang tingin ko sa aking paanan.

"Bakit naman ako madi-disappoint? Dahil na-inlove ka sa kapwa mong lalaki? Anong mali 'don? Parehas lang din kayong tao, may pakiramdam at hindi natin alam kung kanino tayo pwede mahulog. I always support you, anak. Kung saan ka magiging masaya, susuportahan kita."

Agad akong nag-angat ng tingin sa kanya. Hindi ko napigilan ang paglapit at ang pagyakap sa kaniya.

"I'm sorry, 'Nay. Ginusto ko namang pigilan dahil alam kong may mali, kaso wala, mahal ko po talaga si Casthan."

Hinagod nito ang likod ko at narinig ko ang mahina niyang tawa. "Ano ka ba naman, anak. Hindi mo kailangan mag-sorry, walang mali sa nagmamahal. At wag mong pigilan 'yan dahil mas lalo ka lang mahuhulog."

Humiwalay ako ng yakap at hinalikan siya sa noo. "Thank you, 'Nay. I love you!"

"Mahal ko din kayo. Tara na, ihatid ko na kayo sa labas." Aniya at naunang lumabas ng kwarto sa akin. Nakangiti naman akong sumunod.

Naabutan namin ang dalawa na naghaharutan sa may upuan. Nang makita kami ni Casthan ay dumiretso ito ng tayo at binitawan na si Butchoy.

"We're going home?" He mouthed at me. Mukhang disappointed pa.

Tumango ako at kinarga si Butchoy. Mukhang alam na niya yata na paalis na kami dahil nalungkot ang mukha niya.

"Aalis na kami, Butchoy. Pero babalik kami tuwing linggo, kasama ko si Kuya Monster. Gusto mo 'yon?"

"O-Opo. Mabilis lang naman po ang linggo 'di ba? Hihintayin ko po kayo."

Tumango ako at hinalikan ang kanyang noo bago siya ibigay kay Nanay.

Crazy Over You (BXB) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon