Chapter 29

20.8K 656 46
                                    

Birthday

Nagising ako na wala si Casthan sa tabi ko. Naagaw ng pansin ko ang bukas na bintana ng kwarto niya at nakita kong gabi na.

Agad akong bumalikwas ng bangon kaya bigla akong nahilo. Hawak ang aking ulo ay sumulyap ako sa orasan. Alasais na ng gabi.

Natulala ako sa harapan ng kama habang inaalala ang nangyari kanina. Uminit ang pisngi ko dahil parang naririnig ko parin ang mga ungol niya. Hindi ako makapaniwalang may nangyari ulit sa amin sa pangalawang pagkakataon.

Piniling ko ang ulo kasabay ng pagkaalala sa huling sinabi ni Casthan sa akin bago ako makatulog.

"I love you too, Jaime. You're the best thing I've ever had. Don't you dare leave me or else I'll kill myself."

Nanlaki ang aking mata dahil doon. Napahawak ako sa aking dibdib dahil sa mabilis na pintig ng aking puso.

Sinabi niya ba talaga 'yon?

I shook my head. Sa sobrang pagkadesperado ko na mahalin niya ako ay pati sa panaginip nangyayari 'yon.

Bumukas ang pinto at nalaglag ang panga ko nang bumungad si Casthan sa akin. Casthan is wearing a dark blue suit with his sexy red neck tie. Ang kanyang buhok ay nakaayos, malayo sa palaging messy hair na style niya.

I heard him chuckled kaya napabalik ako sa katinuan ko. Lumapit siya sa akin at naamoy ko ang tapang ng kanyang pabango. Halos malasing ako kakaamoy 'non.

"Stop staring, babe, I'm yours now..." Kalmado niyang sinabi habang ako naman ay nanlaki na naman ang mata.

I'm yours? Oh hell! How can I forget that? We're officially in relationship now!

Naramdaman ko ang pag-iinit ng aking mukha, pigil ang ngiti na tiningala ko siya. His eyes are twinkling while looking at me.

Hindi pala talaga ako nananaginip. Totoo na sinabi niya 'yon. Totoong mahal niya na talaga ako!

Hindi ko napigilan ang takas na luha habang tinitignan siya. Kumunot ang noo niya at agad hinawakan ang pisngi ko para alisin ang aking luha.

"Why are you crying?"

Umiling ako at hinagip ang katawan niya. Niyakap ko siya at inilapat ang mukha sa kanyang matigas na tiyan.

Ramdam ko ang gulat niya ngunit nagawa niyang haplusin ang ulo ko.

"What's the problem? A-Are you mad at me?" Lalo akong napangiti sa kanyang tanong. Tanga ka, Casthan. Hindi kita yayakapin ng ganito kung galit ako.

Umiiyak ako dahil sa wakas naging akin kana. All the pain that I felt was worth it. Ayos lang na masaktan ako ulit basta akin ka parin sa huli.

"I love you so much, Casthan. Happy birthday..." Napapaos kong sinabi.

Mahina siyang tumawa at humiwalay sa yakap ko. Ngumuso ako at tinangala siya ngunit nagulat ako nang sumalubong sa akin ang mainit niyang labi.

"I love you too, babe. Now, get up, the party's getting started." Ani niya nang makabitaw sa halik.

"Nandyan na papa mo?" Nahihintakutan kong tanong.

Tumiim ang kanyang bagang at kita ko ang pagdilim ng kanyang mata. "Yeah, and I'll introduce you to him."

Namilog ang aking mata sa gulat at agad na umiling, "H-Hindi na kailangan, Casthan."

"And why is that? Are you ashame of me?" Galit siya sa tanong na 'yon.

Hinuli ko ang kanyang kamay upang mapakalma siya. "Never, Casthan. I'm just scared to face your father. P-Paano kung 'di niya tayo matanggap?"

Crazy Over You (BXB) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon