Chapter 37

25.5K 786 150
                                    

Family

Tanaw ko ang malinaw at asul dagat. Ang pinagsamang kulay ng kahel at asul ay napakagandang tignan dahil sa papalubog na araw. Pumikit ako at nilanghap ang hangin mula sa karagatan. Ang mahina at kalmadong hampas ng alon ay nagpapagaan ng loob ko.

Ilang buwan na ba ang nakalipas simula nang mapadpad kami dito? Mahigit isang taon narin pala. Hindi ako nagkamali na ito ang pinili kong lugar para sa pinatayo kong bahay.

Nag-enroll din ako upang ipagpatuloy ang pag-aaral ko about my course. Mas pinili kong maging Doctor kaysa ipagpatuloy ang nurse kahit alam kong matatagalan ako. But while I'm studying, some miracle happened. The doctors who came from other country saw my potential and help me too pursue my course. Kahit na nag-aaral pa lang ako ay pinayagan nila akong tumulong sa ibang doctor sa mental hospital dahil sa kakulangan narin nito.

Sumulyap ako kay Jusa na nagtitinda ng mga shells sa ginawang kwintas, pambising o kaya'y palamuti. Kasama niya ang kanyang bagong kasintahan at hawak nito si Shyra Mae, ang anak ni Jusa.

Naging maganda ang simula namin dito. Nakapasok ako sa isang hospital at na promote. Si Nanay naman ay kasama din ni Jusa na nagtitinda ng mga shells ngunit kahit ayaw ko man dahil mas gusto ko ang magpahinga na lang siya sa bahay ay sigurado akong magagalit siya. Alam narin ng tatay ni Jusa na kasama namin siya at mayroon ng anak. Hindi naman ito galit bagkus ay sobrang nag-aalala ito sa anak. Nabalitaan din namin na nahuli na si William ng mga pulis.

Sabi ko kay Jusa ay maaari na siyang bumalik. Alam kong namiss niya din ang buhay sa Manila ngunit umayaw siya at nagbiro pang baka pinapalayas ko lang siya.

Tumitig ako sa papalubog na araw at napangiti ng malungkot. Walang araw na nagdaan na hindi ko naaalala si Casthan. Walang araw din na hindi ako nalulungkot at umiiyak sa gabi kapag naaalala ang mga nangyari sa amin. Buti na lang at nandyan ang pamilya ko para pagaanin ang loob ko.

Kamusta na kaya siya? Sila na kaya ni Sabrina? Siguro may anak na sila.

Hindi ako gumawa ng paraan upang malaman ang kalagayan niya. Kahit gustong gusto ko nang alamin ang mga nangyari sa buhay niya.

Totoo palang mahirap kalimutan ang unang pag-ibig. Ayaw kong maghanap ng iba at gamitin sila para makalimutan ko si Casthan.

Siguro hindi pa ngayon, pero alam ko mawawala din itong nararamdaman ko sa kanya. Magmamahal din ako ng iba. At sisiguraduhin kong iyon na talaga ang huli.

Kung ano man ang magandang naidulot ng paglayo ko ay ang paghilom ng mga sakit na naidulot niya sa 'kin. Napatawad ko na siya ngunit nandoon parin ang pait. Tinanggap ko na hindi niya talaga ako minahal. Mas nag mature ako. Mas iniintindi ko na ang mga bagay bagay.

Tadhana na siguro ang nagpasyang hindi kami magsama. Hindi talaga kami para sa isa't isa.

Humugot ako ng malalim na hininga at tumayo mula sa kinauupuan ko, pinagpagan ko ang aking pang upo at naglakad patungo sa pwesto nila Jusa.

"Kuya Jaime!" Sigaw agad ni Butchoy sa pangalan ko. Ngumiti ako at inilahad ang kamay ko sa harapan ni Shyra na hawak ni Charles, ang kasintahan ni Jusa.

Shyra giggled as she reach my arms. Napangiti ako at kinarga siya. I kissed her both cheeks at pinanggigilan ang ilong niya.

"Sinong maganda?" I playfully asked her. She just giggled and cupped my face.

"Kuya, nabalitaan mo na ba?" Umagaw sa pansin ko si Jusa. Kinarga ko ng maayos ang bata bago humarap sa kanya.

"Ang ano?"

"May mga bagong daw na turista dito. Mukha daw mayayaman at marami sila."

Tumawa ako, "Tapos? Normal lang naman 'yon. Sa ganda naman ng lugar natin ay talagang kahit sino ay pupuntahan ito." Napawi ang ngiti ko ng nanatiling seryoso ang mukha niya. Ang boyfriend naman niya ay tahimik lang na nakikinig sa amin.

Crazy Over You (BXB) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon